Ang na fact-check na video, na mayroon nang 300 shares, ay naglalaman ng mga conspiracy theories na walang basehan na gusto daw paunlarin ni Marcos ang ekonomiya ng Pilipinas gamit ang gold-backed currency, ngunit ito ay pinigilan ng mga global financial institutions

Claim: Ang dating diktador na si Ferdinand Marcos ay naglabas ng letter of instruction na nagsasabing magprint ng gold-back currency para paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas

Rating: HINDI TOTOO


Ang Facebook page na “Rodante Marcoleta Supporters Live” ay nag-recycle ng fact-checked video noong Aug. 26 na maling nagpapakalat ng kwento tungkol sa umano’y “totoong” plano ni dating diktador Ferdinand Marcos na magprint ng gold-back currency.

Ang na-fact check na video, na mayroon nang 300 shares, ay naglalaman ng mga conspiracy theories na walang basehan na gusto daw paunlarin ni Marcos ang ekonomiya ng Pilipinas gamit ang gold-backed currency, ngunit ito ay pinigilan ng mga global financial institutions. Itinuro nito ang “Letter of Instruction” (LOI) noong July 15, 1983 para sa pagprint ng “Ang Bagong Lipunan Peso Bills or Currency.”

Ngunit, base sa aming pagsusuri ng Official Gazette, wala rito ang nasabing LOI.

Pinabulaanan na din ng mga fact-checkers mula sa Rappler noong nakaraang taon ang kawindang-windang na pahayag na it pagkatapos ma-upload ng “Filipino Future” Facebook page ang naunang video. (Translated by Jessie Rival)

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.