
Wala sa YouTube video ni Idol Caloy na inakusa ni Contreras si Kris Aquino sa panggagamit sa kanyang yumaong ama para sa kaniyang career

Claim: Sinabi ni political analyst na si Antonio Contreras na si Kris Aquino ay ginamit ang kanyang ama para sa kasikatan
Rating: HINDI TOTOO
Sa isang na video, na tila tadtad ng mga advertisement, mula sa YouTube channel ni “Idol Caloy”, sinabi niyang si Antonio Contreras ay nagakusa laban sa aktress at TV host na si Kris Aquino sa paggamit ng kaniyang ama, ang pinaslang na dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr., para pasikatin ang kanyang sarili.
Ginamit ni Idol Caloy ang vlog ni Contreras noong Aug. 22 sa isang video mula sa YouTube noong Aug. 25, kung saan nakakuha ito ng mahigit 30,000 views at 300 comments.
Subalit, wala sa video ni Idol Caloy ang nagpapakita na inakusahan ni Contreras si Kris Aquino na ginagamit ang kaniyang ama para sa kanyang career.
Ang cover ng video ni Idol Caloy ay maling ini-ugnay sa isang pekeng pahayag kay Contreras na nagsasabing: “Kung mahal mo ang ama mo, sana binigyan mo siya ng hustisya, isa ka ring user Kris!”
Ang video ay pinamagatang “KRIS MAS MAITlM ANG BUDHl KESA KAY CORY, GINAMIT LANG ANG AMANG SI NINOY PARA SA POPULARIDAD NIYA!”
Ang naunang bahagi ng video ay naglalaman ng “Kris, plastic magmahal sa ama.”
Tinanggi ng dating De La Salle University political science professor na sinabi niya ang mga katagang ito sa isang Facebook post noong Aug. 27.
“This grossly misrepresented what I said in my FB live. I did not even say that quote,” sabi niya.
“While I appreciate people sharing my vlogs, I cannot allow people to put words in my mouth, or grossly misrepresent what I said, more so if it places me in a bad light, for which I can hold you liable,” aniya ni Contreras.
Sa kaniyang original vlog, sinabi ni Contreras ang aniya’y mga totoong pangyayari na nakapaloob sa pagpatay ni dating Ninoy Aquino noong 1983, kabilang na dito kung paano nananatiling isang katanungan sa kasaysayan ang mastermind.
Ini-ungkat niya rin kung bakit hindi nagawang tuklasin ng mga Aquino kung sino ang nagpautos ng pagpatay sa dating senador, na isang masugid na kritiko ng rehimeng Marcos.
Kinuwestiyon din ni Contreras ang mga pamana o legacy ni Ninoy Aquino.
“Si Cory parang walang ginawa para talagang malaman kung sino talaga ang nagpapatay sa asawa niya. Nu’ng si Noynoy Aquino na naging presidente, walang pagkilos tungkol sa isyung yan. Parang napaka-konbinyente na ‘yung kanyang kamatayan ay itapon na lang bigla at isisi kay Marcos. Pero ang tanong ay totoo ba talaga ‘yon. At bakit parang ang mga supporters niya kapag sinabi mo ‘yun parang gumagawa ka ng isang malaking kasalanan. Malaking kasalanan ba ang hanapin ang katotohanan?” sabi niya. (Translated by Jessie Rival)
PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph
PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).


FACT CHECK: Fake quote cards expressing support for ex-president Duterte surface as he faces ICC
Several fabricated quote cards have surfaced on social media showing known figures, fictional characters, and even porn stars made to express support for former president Rodrigo Duterte.

FACT-CHECK: First lady did not have a photo with ICC judges
A photo of first lady Liza Araneta-Marcos with two women, who were falsely identified by supporters of former president Rodrigo Duterte as the judges of the International Criminal Court who signed his arrest warrant, has gained traction on social media.

FACT-CHECK: US President Donald Trump did not release any statement regarding Duterte’s arrest, ICC
Various fake quote cards and edited videos featuring spliced speeches of US President Donald Trump appearing to support Rodrigo Duterte amid his arrest have been circulating on Facebook and its vertical video platform, Reels.