Ito ay paulit-ulit na naratibo na ginagamit ng mga taga suporta ni Marcos. Kahit pa lagyan ito ng munting katotohanan, hindi nito nilalahad ang buong istorya, kaya ito ay hindi totoo. 

CLAIM: Ang dating diktador na si Ferdinand Marcos ay nilisan ang Pilipinas matapos ang People Power noong 1986 upang mapigilan ang karahasan at pagdanak ng dugo. 

Rating: Hindi totoo


Ang Facebook page na “BBM SARA TV’s” ay nagpost ng video na napanood nang 34,000 na beses at sinabing ang dating diktador na si Ferdinand Marcos ay umalis ng Pilipinas upang pigilan ang karahasan at pagdanak ng dugo. 

Ito ay paulit-ulit na naratibo na ginagamit ng mga taga suporta ni Marcos. Kahit pa lagyan ito ng munting katotohanan, hindi nito nilalahad ang buong istorya, kaya ito ay hindi totoo. 

“Ganito pla ang nang yari noong election Feb.07,1986 Panalo pa din ang dating pangulo pero hindi matanggap ng kalaban kya gumawa ng paraan at un ang edsa revolution mas pinili na lamang umalis ng bansa ng Dating Pangulo upang maiwasan ang pag danak ng dugo at maramibg nasaktan.salute Dating Pangulo FEM mas inidip nyo ang kapakanan ng sambayanan kaysa pangsarili lamang,” ayon sa kapsyon ng video na na-upload noong August 6.

Ang pagbagsak ng rehimeng Marcos ay dokumentado. 

“Marcos, who fled aboard American helicopters to the U.S. Air Force’s nearby Clark Air Base, was brought down by a combination of a “people’s power” uprising, military revolt and U.S. pressure,” ayon sa report ng Associated Press, isang American wire service, noong Feb. 26 1986.

Milyon-milyong Pilipino ang nagtungo sa Epifanio de los Santos Avenue o Edsa, sa pagitan ng dalawang kampo militar, upang protektahan ang noo’y Defense Minister na si Juan Ponce Enrile at Armed Forces Chief of Fidel Ramos, na tumiwalag mula kay Marcos. 

Ayon sa report ng New York Times, ninais ni Marcos na manatili sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulong ng Estados Unidos. “The departure of Mr. Marcos from Manila ended a day in which he pleaded with Washington for help in clinging to office, then went through an inaugural ceremony that was held apparently after he had decided to leave,” sabi sa ulat.

Ang US ay may malaking ambag sa pagkakatapon ng mga Marcos sa lupain ng mga Amerikano. Sa katunayan, nag-alok ang Washington ng kanlungan para sa pinatalsik na diktador at sa kaniyang pamilya. 

“Marcos was a particular favorite of Ronald Reagan, who shared his unflinching views on communism,” ayon sa panulat ng Chicago Tribune. 

“In the end, though, it was Reagan who pulled the rug from under Marcos,” sabi pa nito. — (Translated by Andrei Duran)

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.