Salungat sa pahayag ng BBM Sara Tv’s, naging masuway o matapang pa nga si Marcos sa interview niya kasama ang ABC television network noong 1986.

CLAIM: Maluha-luha si dating diktador Ferdinand Marcos sa kanyang interview kasama si Ted Koppel noong 1986

RATING: Kulang sa konteksto


 

Sa isang video ng Facebook page na “BBM Sara Tv’s” noong Aug. 12, maling ipinahayag nito na kinailangan pa daw magpunas ng luha ni dating diktador Ferdinand Marcos sa isang “senseless” TV interview kasama ang American journalist na si Ted Koppel noong 1986. 

Walang kahit anong konteksto ang video sa malubhang sakit ni Marcos noong panahon na iyon.

“Nakakadurog ng puso ang makitang pinapahiram (sic) ang luha ng dating Pangulo Ferdinand E. Marcos sr dahil lamang sa walang kwentang interview,” sabi sa caption ng video.

Subalit, salungat sa paglalarawan ng Facebook page, si Marcos ay nagpakita naman ng panghahamon o defiance sa interview broadcast sa ABC television network noong April 1986. Ang video ay napanood na nang mahigit 27,000 na beses.

Dalawang buwan matapos mapatalsik ng EDSA People Power revolt, sinabi ni Marcos, na naka-exile sa Hawaii, na siya daw ang lehitimong presidente at hindi daw totoo na nagnakaw siya sa kaban ng bayan.

Kita na nagpupunas ng luha si Marcos sa TV interview, pero ‘di binanggit sa video na ilang buwan bago ito ay naitala na ang diktador ay mayroong lupus, isang sakit na nagdulot ng mga problema sa kidney.

Ipinahayag ng Los Angeles Times noong 1986 na madalas daw magpunas ng kanyang mata dahil sa luha si Marcos.

“During appearances before reporters last week, Marcos’ eyes were often watery and bloodshot,” pahayag ng Associated Press (AP) noong February 1987.

Tinago ni Marcos mula sa publiko ang kanyang sakit.

Pahayag ng isa pang AP report noong Marso 12, 1986, naiwan sa Malacañang ang isang hospital bed katabi ng kanyang kama, mga oxygen tank, at mga syringe na naka-ayos sa isang side table. Translated by Mariel Natanawan

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.