Ayon sa MMDA, patuloy pa rin itong manghuhuli sa kalye ng mga motoristang lumalabag sa batas-trapiko kahit may no-contact apprehension (NCAP) na.
Claim: Hindi na manghuhuli ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga lumalabag sa batas trapiko simula Nob. 15.
Rating: HINDI TOTOO
Mali ang mga kumakalat na post sa Facebook at mensahe sa messaging apps na hindi na manghuhuli ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga lumalabag sa batas-trapiko simula Nob. 15.
Ito ay diumano dahil sa no-contact apprehension policy (NCAP) kung saan sa camera na lang huhulihin ang mga paglabag sa kalye. Padadalhan na lang ng sulat ang mga may-ari ng sasakyan at pagbabayarin sila ng multa. Ipinatutupad na sa piling lugar sa ilang siyudad sa Metro Manila ang NCAP.
Kumalat ang maling pahayag hindi lang sa Facebook noong Agosto 24, kundi pati sa Viber.
Hindi na namin uulitin ang maling impomasyon dito at baka magdulot lamang ng mas malaking kalituhan.
Mismong MMDA na ang nagsabi na hindi sa kanila galing ang announcement. Ayon sa ahensya, patuloy pa ring manghuhuli sa kalye ang MMDA ng mga motoristang lumalabag sa batas-trapiko kahit may NCAP na.
“Maling impormasyon ang kumakalat tungkol sa mga paalala ng MMDA sa No Contact Apprehension Policy. Ang mga MMDA traffic enforcers ay patuloy pa rin na maninita ng mga motoristang may paglabag sa batas trapiko,” pahayag ng MMDA bago magtanghali noong Agosto 24.
“Huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe o post sa social media. Mabuting alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon o iberipika mula sa mga lehitimong sources ang mga nababasa o natatanggap na datos,” dagdag pa ng MMDA.
This fact-check was produced by PressOne.PH as part of a fact-checking grant from the Philippine Fact-Checker Incubator (PFCI) Project. The PFCI supports news organizations to allow them to meet global fact-checking standards under the International Fact-Checking Network’s Code of Principles.
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at news@pressone.ph.
FACT-CHECK: Supposed video of Quiboloy’s arrest is fake
A Facebook reel containing a manipulated video of the supposed arrest of fugitive pastor Apollo Quiboloy has gained widespread attention.
FACT-CHECK: No sentence yet for controversial KOJC pastor
A TikTok video erroneously claimed that controversial pastor Apollo Quiboloy was not guilty of the charges filed against him.
FACT-CHECK: President Marcos, MrBeast not promoting online casino app
Images of a famous American YouTuber and President Ferdinand Marcos Jr. have been manipulated to give a false impression that they are promoting a mobile casino app.