
Mali ang sinabi ng political analyst na hindi biktima ng disinformation si Bise Presidente Leni Robredo

CLAIM: Hindi biktima ng fake news si Vice President Leni Robredo
RATING: HINDI TOTOO
Sa isang panayam sa Sonshine Media Network International (SMNI) ni evangelist Apollo Quiboloy, sinabi ni Anna Malindog-Uy na hindi biktima ng “fake news” si Vice President Leni Robredo.
“Laging sinasabi, like for example ni Vice President Leni Robredo, na biktima siya ng fake news. I don’t think gano’n,” the professor said at the 15:38 minute mark of the interview.
Nagpahayag si Malindog-Uy ng kanyang opinyon, ngunit mali ang bahaging sinabi niya na si Robredo ay hindi biktima ng fake news.
Iniulat ng Vera Files, ang third-party fact-checker ng Meta (dating Facebook), noong 2021 na si Robredo ang pinaka-target na paksa ng disinformation.
Sa 120 na content na may kaugnayan sa disinformation sa halalan na na-flag ng Vera Files noong taong iyon, 28 ay laban kay Robredo.
Sumunod sa kanya si Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao.
Si Ferdinand Marcos, Jr., nag-iisang anak ng dating diktador Ferdinand Marcos, Sr., ay higit na nakinabang mula sa “fake news” kung saan 52 sa 120 na flag na mga post ay nagsusulong sa kanya o nagbaluktot ng mga katotohanan tungkol pamilya Marcos.
Ang disinformation laban kay Robredo ay puspusan na habang nangangampanya siya para sa pagkapangulo laban sa kanyang karibal sa pulitika, si Marcos Jr.
Sa PressOne.PH lamang ay marami nang na-flag na disinformation laban kay Robredo.
(READ: FACT-CHECK: Hindi humingi ng pondo ang staff ni Robredo para sa drug rehab program)
(READ: FACT CHECK: Gadon inakusahan si Robredo na nandaya noong eleksyon 2016)
Maging ang anak ng bise presidente, si Aika, ay naging biktima ng disinformation attacks gaya ng mga pekeng malalaswang video sa Internet.
PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph
PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).


FACT-CHECK: Sen. Risa Hontiveros did not say that she wanted to help former Senator Leila de Lima escape prison
YouTube channel made a false allegation that Sen. Risa Hontiveros wanted to help former Sen. Leila de Lima escape from prison.

FACT-CHECK: Hong Kong will not arrest those still wearing masks
Netizen falsely claims Hong Kong authorities will arrest anyone caught wearing a mask CLAIM: Hong Kong will arrest anyone wearing a mask after March 1 RATING: FALSE A netizen falsely claimed in a Facebook post last Feb. 28 that Hong Kong authorities would arrest...

FACT-CHECK: Pope Francis did not suggest how Catholics should fast during Lent
A Facebook page falsely claimed Pope Francis had given tips on how to fast during Lent.