Ang mga pang-aabuso ni Marcos ay nagtulak sa mga bumuo ng 1987 Constitution na suriin ang kaukulan ng isang presidente sa pagdedeklara ng batas militar.

RATING: HINDI TOTOO


Maling sinabi sa isang bidyo ng Facebook Page na “BBM SARA Tv’s” noong Hulyo 31 na ang dating diktador na si Ferdinand Marcos ay hiniling sa kongreso ang pagdedeklara ng Batas Militar noong 1972.

Ang maling sanaysay ay matatagpuan sa kapsyon ng bidyo: “MARTIAL LAW bakit nga ba hiniling ng ating dating Pangulo sa kaniyang legislatura na mag declare ng Martial law o batas militar..itoy upang mapigilan ang kaguluhan at ang pag dami ng mga makakaliwang grupo..”

Gayunpaman, hindi kailangan ni Marcos ang pagsang-ayon ng kongreso upang ideklara ang pamamahalang militar sa ilalim ng kaniyang Proclamation 1081. 

Ang 1935 Constitution ay nagbigay kay Marcos ng legal na batayan upang “ilagay ang buong bansa sa ilalim ng Martial Law.”

Tuluyan din niyang sinuspinde ng charter at na-dissolve ang senado at House of the Representatives.

Tinipon din ang mga kritiko at ang oposisiyon at ikinulong 

Ang mga pang-aabuso ni Marcos ay nagtulak sa mga bumuo ng 1987 Constitution na suriin ang kaukulan ng isang presidente sa pagdedeklara ng batas militar.

Ang bagong konstitusyon ay nagbabawal sa pagsususpinde ng konstitusyon at mga korte. Sa ilalim ng charter ng 1987 ay pinayagan din ang Kongreso na bawiin ang proklamasyon ng batas militar at binigay sa Korte Suprema ang pagsusuri nito.

Ang huwad na bidyo ng BBM SARA Tv’s ay napanood na ng 700 beses. —(Translated by Andrei Duran)

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.