Narecord ng dalawang Amerikano si Marcos Sr. habang tinatalakay ang plano nitong salakayin ang Pilipinas.

CLAIM: Hindi pumayag si Pangulong Corazon Aquino na pabalikin sa bansa para ilibing ang kanyang ina noong 1988 ang napatalsik nitong predecessor na si Ferdinand Marcos.

RATING: Kulang sa konteksto


 

Hindi ito nakapagbigay ng mahalagang konteksto ang isang video ng Facebook page na “BBM Sara Tv’s” noong Agosto 15 patungkol sa hindi pagpayag ni Pangulong Corazon Aquino sa pagpapabalik sa bansa kay dating diktador Ferdinand Marcos para sa libing ng kanyang ina noong 1988.

Ayon sa isang Facebook page, naging makasarili daw si Aquino dahil sa takot na muling makabalik sa kapangyarihan ang diktador.

Ayon sa video: “Napaka walang hiya pala talaga ang ginawa sa dating Pres. Ferdinand E. Marcos hindi man lng pinayagang makauwi ng pilipinas  para masilip ang namatay nyang ina at maihatid sa huling hantungan..sa takot lamang na baka muling iupo ng mga tao sa pag ka pangulo si FEM..makasarili talaga…gaano kasakit ito..”

Dagdag pa dito, sinabi rin sa video, na mayroon nang 39,000 views, na hindi binalak ni Marcos na agawin ang kapangyarihan mula kay Aquino.

Sa isang televised address noong May 1988, ipinaliwanag ni Aquino ang dahilan sa likod ng desisyon niya ay ang pambansang kapakanan at pangangailangan sa katatagan. Sinabi rin nito na lumapit ito sa mga national leaders bago ginawa ang kanyang desisyon.

“After careful assessment in consultation with the leadership of both chambers of Congress and the Cabinet committee, I regret that considerations of national welfare, which are above the individual interest, forbid us from allowing the former president to return,” ani niya.

Mayroong dahilan si Aquino para maghinala kay Marcos: ang dating diktador ay naitala ng dalawang Amerikano habang tinatalakay nito ang kanyang mga plano para salakayin ang Pilipinas at muling bawiin ang kapangyarihan.

Naging testigo rin ang mga Amerikano, na si Robert Chastain and Richard Hirschfeld, sa harap ng isang komite ng US House of Representatives.

“[I]t was wrong to allow President Marcos to proceed on his path to armed invasion as if no one knew what he intended to do,” quote kay Chastain ng Associated Press. –Translated by Mariel Natanawan

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

An X user makes the false claim that the United States has five military bases in the Philippines.CLAIM:  The United States has five military bases in the Philippines. RATING: FALSE   An X user made the false claim that the United States has five military bases...

read more