

Kamakailang nag-upload ang YouTube channel ni Dante Maravillas na “Dante Talks” ng isang video kung saan tinalakay niya ang aniya’y “matinding rebelasyon ni Ms. Marcos” sa isang panayam sa the Daily Tribune.
Ang madalas na content ng channel na ito ay kalimitang pro-Marcos.
Sa 15:19 timestamp ng video, pinaliwanag ni Maravillas na noong unang naupo bilang presidente si Ferdinand Marcos Sr. ay “walang hustisya at demokrasya” sa bansa.
Dagdag pa niya, ang dating diktador pa daw ang nagdala ng demokrasya, kalayaan, at hustisya para sa lahat ng Pilipino na ayon sa kanya ay deka-dekada nang inaalipin ng mga oligarchs.
CLAIM: Dinala ng dating diktador Marcos Sr. ang demokrasya, kalayaan, at hustisya nung kanyang termino
RATING: HINDI TOTOO
FACTS:
Ayon sa Committee to Protect Journalists, mabilis nakuha ng media sa Pilipinas ang reputasyon bilang “the freest press in Asia” noong 1950s, ilang taon matapos ipagkaloob ng United States ang kalayaan sa bansa, kung saan maraming mga Pilipinong journalists ang nagsisimula nang magsagawa ng investigative journalism para mailantad ang kurapsyon sa loob ng gobyerno.
Dito pa lang ay kaya nang patunayan na hindi totoo ang pahayag ng video na si Marcos Sr. ang naghatid ng “democracy, freedom, and justice.”
Samantala, sinangayunan na rin ng iba’t ibang mga historian at analyst na lumala ang estado ng demokrasya at freedom of speech noong termino ng dating diktador. Ilang media institutions, kabilang ang ABS-CBN, ang tinarget at kinontrol. Inaresto rin ang mga kilalang journalist at media owners na sina Teodoro Locsin Sr., publisher ng Philippines Free Press, at Manila Times publisher na si Chino Roces. Maraming kaso ng harassment at pagtorture sa journalists ang naitala noong termino ni Marcos Sr. bilang presidente.
BAKIT ITO MAHALAGA
Ang YouTube account ni Dante Maravillas ay merong mahigit na 150k subscribers. Habang sinusulat, mayroon na ring 186,000 views, 11,000 likes, at 989 comments ang video. – Cheska Carpio (Translated by Mariel Natanawan)
PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph
PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).


FACT-CHECK: Pope Francis did not say that ‘Rivers do not drink their own water’
Social media accounts falsely attributed to Pope Francis a quote that is actually a Hindu proverb.

FACT-CHECK: Twitter user falsely claims tech giants have fired thousands of workers due to AI
A Twitter-verified user falsely claimed on May 8 that three tech giants have fired thousands of employees due to the disruption caused by artificial intelligence or AI.

HINDI TOTOO na si PBBM ang unang nakaisip magtayo ng Battery Energy Storage System sa bansa
Kamakailan umikot ang tsismis na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos lang daw ang unang nakaisip na magtayo ng battery energy storage system dito sa Pilipinas. Ang kaso nga lang, hindi ito totoo.