Ang Korte Suprema, na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal, ay ibinasura noong nakaraang taon ang claim ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ay dinaya noong 2016 vice-presidential elections.
CLAIM: Ang eleksyon para sa pagkabise-presidente ay ninakaw kay Marcos
RATING: HINDI TOTOO
Sa isang video message na nai-post sa kanyang Facebook page, pinaalalahanan ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na magkaisa at “huwag hayaang manakaw muli ang mga boto.”
“Sa darating na Mayo a-nueve ay kailangan din po tayong magbantay sa ating mga boto. Protektahan po natin ang ating naging desisyon at huwag nating hayaang muli itong nakawin sa atin.”
Ang nag-iisang anak na lalaki at kapangalan ng yumaong diktador ay marahil tumutukoy sa kung paano siya natalo noong 2016 sa pagka bise-presidente.
Patuloy na idinadawit ni Marcos Jr. si Vice President Leni Robredo sa pandaraya sa halalan.
Ito ay MALI.
Korte Suprema mismo, bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang nagbasura sa electoral protest ni Marcos Jr. laban kay Robredo dahil bigo ang dating senador na patunayan na nagkaroon ng malawakang dayaan noong 2016 elections.
Sa pagbasura sa petisyon ni Marcos Jr., sinabi ng PET sa 93-pahinang desisyon nito na “nabigo si Marcos na patunayan ang kanyang mga alegasyon ng napakalaking anomalya at iregularidad”.
Binanggit ng PET walang malaking pagbawi ng mga boto sa mga pilot province na siya mismo ang nagtalaga, matapos isagawa at makumpleto ng tribunal ang pagkuha at pagkilatis sa mahigit dalawang milyong balota.
“Sa halip, pinili niyang gumawa ng malawak na mga paratang ng maling gawain at nagsumite ng hindi kumpleto at maling data,” sabi ng PET.
PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph
PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).
FACT-CHECK: EDCA is not unconstitutional
: A manifesto shared by a pro-China personality falsely claimed that the Enhanced Defense Cooperation Agreement between the Philippines and the United States is banned under the constitution.
FACT-CHECK: Taylor Swift did not make any comment about US ability to stop war in Taiwan
An X user made the false claim that Taylor Swift had commented about the United States’ naval capability to deter an invasion of Taiwan.
FACT-CHECK: Facebook post uses wrong painting to depict first Mass in PH
A Facebook post used the wrong painting to depict what it described as the first Mass in the Philippines.