CLAIM: Idineklara ng Harvard na “alumnus (sic) non grata” si ex-Comelec commissioner Rowena Guanzon

RATING: Hindi Totoo

Ang Pro-Marcos na Facebook page, “Kabataan Patrol ng Pilipinas” ay lumilitaw na sinakyan ng humor page na Adobo Chronicles nang mag-post noong Abril 28 ng screengrab ng huling satirikong kuwento na si ex-Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon ay nagkaroon ay idineklara na “alumnus (sic) non grata” ng Harvard University.

Siyempre, mali ang paratang dahil hindi idineklara ng Harvard ang alumna nito (ang tamang pantawag sa kababaihan na nakapagtapos) bilang isang “non grata.”

Ngunit hindi iyon naging hadlang sa Kabataan Patrol sa pagdedeklara, na may katagang, “Karma is real Madam Guanzon.”

Si Guanzon, na nagtapos ng kanyang Master’s in Public Administration sa Harvard noong 1995 bilang isang Edward Mason Fellow, ay naging kritikal kay presidential bet Ferdinand Marcos Jr. mula nang magretiro siya sa Commission on Elections (Comelec).

Pinigilan siya sa pagboto upang madiskwalipika si Marcos Jr. dahil sa kabiguan nitong maghain ng kanyang income tax returns mula 1982-1985, dahil ang desisyon, na isinulat ni Commissioner Aimee Ferolino, ay hindi lumabas hanggang pagkatapos ng kanyang pag-alis sa Comelec.

Ang Facebook user na si “Michael Franc David” called Kabataan Patrol’s attention to booboo, saying, “adobo chronicles ang source????? sorry maka BBM ako pero hindi legit yan. pag shinare nyu to mafafact check kayo at ma rerestrict ang accounts nyu.”

Sa kasamaang palad, ang post ay naibahagi nang 171 beses, at mayroong 300 komento sa pag-post ng kuwentong ito

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.