Ang “revolutionary” charter ni Cory Aquino ay nagsilbing transitory constitution. Nakasaad dito na dapat siguraduhin na re-respetuhin ng gobyerno ang basic human rights at fundamental freedoms habang nasa transition period patungo sa New Constitution.

CLAIM: Si Cory Aquino, hindi si Ferdinand Marcos Sr., ang totoong diktador sa ilalim ng isang revolutionary constitution

HATOL: KULANG SA KONTEKSTO


Kulang sa konteksto ang paulit-ulit na sambit ni dating senador Juan Ponce Enrile na si Cory Aquino daw, at hindi si Ferdinand Marcos Sr., ang totoong diktador nang magroll out siya ng revolutionary constitution kasunod ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Mula nang muling maupo ang mga Marcos sa pinakamataas na opisina ng bansa, walang tigil na ang paninira sa pagiging democracy icon ni Aquino. Sa isang video clip na kumakalat sa Tiktok at binahagi bilang “reel” sa Facebook ng user na si Joshua Valles, tinanong si Enrile, na bumalik sa serbisyo bilang chief presidential legal counsel ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung sino ba ang tunay na diktador: si Aquino o Marcos Sr.?

Hindi nagpigil si Enrile, na isa sa mga naging key player sa naging rebolusyon noong 1986 na nagkaroon ng falling out sa pagitan nila ni Aquino matapos ang coup plot na tinawag na “God Save the Queen,” sa mga sinambit niya tungkol sa dating presidente at sa kanyang asawa na ang pinaslang na senador Benigno Aquino Jr.

“Gumawa siya ng revolutionary constitution, ‘yun ang tunay na diktadurya. Tanungin niyo sina Justice Carpio (retired Supreme Court justice) kung ano talaga ‘yon. ‘Yun ang talagang nagbigay ng power of dictatorship kay [Cory Aquino].”

Kailangan pa ng dagdag na konteksto sa pahayag ng dating senador.

Ang “revolutionary” charter ni Aquino ay nagsilbing transitory constitution. Nakasaad sa ika-apat na whereas clause ng proklamasyon na “during the period of transition to a New Constitution it must be guaranteed that the government will respect basic human rights and fundamental freedoms.”

Bagama’t binigyan ng charter na ito ng legislative authority si Aquino para baguhin ang organisasyon sa loob ng gobyerno, mandato din nito na sa loob ng animnapung (60) araw mula sa petsa ng proklamasyon ay kailangan makapag-appoint na ang presidente ng komisyon na magsusulat ng bagong konstitusyon. 

Natapos ng komisyon ang bagong konstitusyon noong Oktubre 1986, at pinagtibay ito ng isang plebiscite noong Pebrero 1987.

Paano naman si Marcos Sr.? Bilang dating defense chief at martial law administrator ni Marcos Sr., kayang magpatotoo ni Enrile kung ano talaga ang nangyari noon.

Sa pahina 468 ng “Juan Ponce Enrile: A Memoir,” sinabi ng dating senador na nakita rin ni Marcos Sr. na kailangan palamlamin ang imaheng authoritarian ng martial law. Ipinroklama noong 1972 ni Marcos Sr. ang Martial Law dahil sa umano’y banta daw ng isang communist takeover. Binigyan ng Martial Law ng pakakataon na pahabain ang termino ng umuupong presidente.

Inalala ni Enrile na mayroong tinatawag na “Batasang Bayan” si Marcos Sr. noon na nagbigay ng impresyon na ito ay isang legislative body, pero ang totoo ay hawak padin ng dating presidente, sa tulong ng kanyang mga gabinete, ang pag-gawa ng batas bilang “resulta ng martial law.”

Ano ang pinagkaiba ni Aquino at Marcos Sr.?

Isang taon lang naturing na “diktador” si Aquino, samantalang ang Martial Law ni Marcos Sr. ay nagtagal mula 1972 hanggang 1981. Ayon sa Amnesty International, ang batas militar ni Marcos ay lumabag sa ilang international laws at karapatan pangtao, kabilang dito ang pag-aresto, pagtorture, at pagpatay sa mahigit libu-libong tao.

Limang taon ang lumipas, natanggal ang diktador sa kapangyarihan sa pamamagitan ng People Power, isang bagay na pilit pinapalimot, kundi binubura, ng kanyang pamilya sa kasalukuyan. Translated by Mariel Natanawan

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.