

PAHAYAG: Hindi matanggap ng isang madre ang pagkatalo ni Leni Robredo
HATOL: HINDI TOTOO
Naglabas ang YouTube channel na “Pinoy Streamline” ni isang video noong ika-17 ng Mayo, 2022, na nagsasabi na ang mga Pilipinong miyembro ng Katolikong orden na Daughters of St. Paul ay hindi daw matanggap ang pagkatalo ni dating bise presidente Leni Robredo sa nakaraang halalang.
Ang imahe sa thumbnail ay naglalaman ng mga larawan nina Sr. Lourdes Ranara, ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, at ni Robredo, kasama ang mga salitang “NAGWALA ANG MADRE DAHIL TALO SI LENI.”
Ang mga unang segundo ng video ay naglalahad rin ng mga salitang “HINDI MATANGGAP ANG PAGKATALO NG SANTA NILANG SI ROBREDO” sa screen.
Ito ay MALI.
Ginamit ng Pinoy Streamline ang mga bahagi ng video galing sa Daughters of St. Paul na inilabas sa Facebook page nila noon pang Mayo 2, 2022, isang linggo bago pa ang eleksyon.
Sa orihinal na video, ineendorso ni Ranara ang pagkapangulo ni Robredo. Hindi siya nagrereklamo dahil hindi pa nagaganap ang halalan.
Sa isang panayam, sinabi ni Sr. Rose Agtarap, FSP, tagapagsalita para sa Daughters of St. Paul sa mga Probinsya ng Pilipinas-Malaysia-Papua New Guinea-Thailand, na hindi humingi ng pahintulot ang Pinoy Streamline para gamitin ang video nila.
Mayroong mga patakaran ang YouTube laban sa mga copyright infringement. Sa mga patakaran nito, pinapaalalahanan ang mga gumagawa ng content na huwag gumamit ng mga materyal sa kanilang mga video na pagmamay-ari ng iba, tulad ng mga musika, mga bahagi ng mga copyrighted programs o/at mga video na ginawa ng iba pang user nang walang karampatang mga permiso.
Inupload ng Pinoy Streamline ang video na ito noon pang Mayo 17, 2022, at mayroon nang mga 51,000 na nanood. Hindi pa ito napapansin ng YouTube. Rommel Lopez (Translated by Adrian Parungao)
PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph
PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).


Fact Check: Enrile claims Cory Aquino was the ‘real dictator’
Cory Aquino’s “revolutionary” charter was intended as a transitory constitution. It stated that ‘during the period of transition to a New Constitution it must be guaranteed that the government will respect basic human rights and fundamental freedoms.’

FACT-CHECK: Imee Marcos did not graduate from UP College of Law
: A Twitter user repeated the false claim that Sen. Imee Marcos finished her law degree at the University of the Philippines in Diliman.

FACT-CHECK: Social media post falsely claims that if Cardinal Tagle is elected pope, he will be the first Asian pontiff
A Facebook page wrongfully claims that in case former Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle is elected pope in the next conclave, he will be the first Asian to become Bishop of Rome and head of the Roman Catholic Church.