ANG SABI-SABI: Nagtatrabaho si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa ilalim ng kaniyang ‘master’ na si  Jose Maria “Joma” Sison.

MARKA: HINDI TOTOO


Isang Facebook account na nagngangalang “Jun Jun ni Noel” (“Jun jun” na halaw mula sa ingles na salitang  “junior” na ginagamit ding salita sa pagtukoy sa ari ng lalaki sa wikang Filipino) ang nagpost noong Enero ng litrato ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan at mga pinuno ng Communist Party of the Philippines (CPP) na sina Jose Maria “Joma” Sison at Luis Jalandoni.  Nagpapasaring ang post na nagtatrabaho umano si Pangilinan para sa CPP. Ipinost ito sa Facebook group na “BBM 2.0 Mindanao” na binubuo ng mga taga-suporta ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (na tinatawag din na BBM) na anak ng dating diktador at mandarambong na kapangalan nito.

Ang orihinal na litrato ay kuha noong 2001 nang puntahan ni Pangilinan ang National Democratic Front Panel (NDFP) headquarters sa Utrecht, Netherlands para sa usaping pangkapayapaan ng bansa. Ang litrato ay kuha ng ABS-CBN Europe News Bureau na natatanging news organization na naimbitahan sa naturang pagpupulong.

Naglabas ng ulat ang ABS-CBN tungkol sa naturang pagpupulong kung saan walang binanggit patungkol sa umano’y pagtatrabaho ni Pangilinan para kay Sison at sa mga komunista. Sa halip, iminungkahi daw ni Pangilinan sa NDFP ang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan at modernisasyon ng agrikultura upang masolusyunan ang kahirapan na sanhi umano ng rebelyon ng mga komunista sa Pilipinas.

Mababasa din sa isang Senate document na inilabas noong 2011 ang mga detalye ng naturang kaganapan. Nakasaad din sa naturang dokumento na ginawa ang naturang bisita “sa pag-asang maplantsa ang mga gusot na naging dahilan upang matigil ang peace talks” (…in the hope that the kinks that have led to the postponement of the talks could be ironed out and that the peace talks could proceed).

Naglabas din ng pahayag ang NDFP na magkakasamang nilagdaan nina Pangilinan, Sison at Jalandoni.

“Sen. Pangilinan came on his account as a senate official of the Government of the Philippines in order to promote the government-NDFP peace negotiations and encourage the holding of formal talks between the government and NDF Negotiating Panels,” saad ng naturang pahayag. – Rommel F. Lopez (translation by Niceforo Balbedina)

 

Pumunta si Pangilinan sa Utrecht bilang bahagi ng kanyang opisyal na trabaho at hindi dahil nagtatrabaho siya para sa pinuno ng CPP. 

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.