Maraming sector ang hindi nagustuhan ang pag anunsyo ni dating senador at natalong vice presidential candidate Bongbong Marcos sa pagtakbo niya sa pagkapangulo ng Pilipinas sa susunod na halalan. Hindi nakapagtataka na ang mga unang nagalit ay ang mga naging biktima ng Rehimeng Marcos. Ating pag usapan ang implikasyon ng pangarap ng mga Marcos na makabalik sa Malacañang, ang alyansa nila sa mga Duterte, ang malawakang pagkalat ng kasinungalingan sa social media na layong baguhin ang mga totoong nangyari sa panahon ng diktadurya at marami pang iba kasama mismo ang isa sa mga naging biktima ng Martial Law – ang abogado, dating congressman, kasalukuyang chairman ng Bayan Muna partylist at Makabayan senatorial candidate Cong. Neri Colmenares. Tayo na sa isang malalimang talakayan dito lamang sa loob ng Press Room.

Play