Ipinagbunyi ng buong mundo ang pagkakapanalo ni Maria Ressa ng Nobel Peace Prize kasama ang Russian journalist na si Dmitry Muratov dahil sa kanilang pagbabantay sa kalayaan sa pamamahayag na ayon sa Nobel Committe ay isang “precondition for democracy and lasting peace.” Ngunit may ilan sa ating bansa mismo ay hindi natuwa sa pagkakapanalo ni Ressa. Ang Malacanang nag issue ng pagbati kay Ressa tatlong araw pagkatapos ng announcement. Pero sa pagbati ay may sundot pa sa mga kasong kinakaharap ni Maria Ressa- kasong sa paniniwala ng mga kasamahang journalist ay pag-ganti ng Duterte administration kay Ressa. Kasama na din dito ang National Artist for Literature na si Francisco Sionil Jose na sa kanyang palagay ay hindi deserving si Maria Ressa sa Nobel Prize. Maraming nadismaya sa mga binitiwang salita ni Jose sa kanyang Facebook post, kasama na dito ang ating makakasama sa edition na ito ng The Press Room na sila Carlos Conde ng Human Rights Watch. Tayo na sa isang malalimang talakayan dito lamang sa loob ng Press Room.

 

LISTEN ON SPOTIFY: