
FACT-CHECK: Partido ni Duterte, gumamit ng lumang survey para pabanguhin ang drug war
Ipinost ng opisyal na account ng partido politikal ni Duterte sa Facebook ang mga luma at hindi na napapanahong datos tungkol sa pananaw ng mga Pilipino sa war on drugs, nang hindi isinasaalang-alang ang kasalukuyang opinyon ng publiko ukol dito.