
FACT-CHECK: Kulang sa konteksto ang pahayag ni Marcos Jr. tungkol sa benepisyo ng Philhealth para sa mga batang may kapansanan
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilulunsad ng PhilHealth ang mga benepisyo para sa mga batang may kapansanan sa susunod na taon. Ang anunsyo, gayunpaman, ay kulang sa detalye, sapagkat may umiiral nang programa para sa mga batang may kapansanan.