FACT-CHECK: Hindi kabilang si ‘Francis Leo Marcos’ sa top 10 senatorial candidates ng Oculum survey
Isang Facebook post noong Huwebes ang maling nagpakalat ng impormasyon na kasama sa top 10 senatorial candidates ng pinakabagong survey ng Oculum Research and Analytics si Norman Mangusin, na kilala bilang “Francis Leo Marcos.”



