
FACT-CHECK: Walang larawan ang first lady kasama ang mga judge ng ICC
Naging usap-usapan sa social media ang larawan ni first lady Liza Araneta-Marcos kasama ang dalawang babae, na maling kinilala ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte bilang mga hukom ng International Criminal Court na pumirma sa kanyang warrant of arrest.