
WATCH: Ricky Davao, pumanaw dahil sa kanser, hindi sa aneurysm
Isang Facebook page ang nagpakalat ng maling impormasyon na pumanaw umano ang batikang aktor at direktor na si Ricky Davao dahil sa brain aneurysm. Ang nasabing post ay isang emosyonal na pag-alala mula sa isang nagpakilalang “Mayeth Malca,” na ipinresenta ang sarili bilang kasintahan umano ng aktor.