
VIDEO: Larawan ng 2022 relief drive ng Davao City, muling ginamit sa mga posts
Iba’t ibang mga post sa social media ang gumamit ng lumang larawan mula sa website ng Davao City upang maling ipakita na agad daw na nagpadala ang gobyerno ng Davao ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong “Carina” at paguulan na dulot ng Habagat sa Luzon.