FACT-CHECK: Gawa-gawang abisong nagdeklara ng lockdown dahil sa Mpox virus naglipana sa social media
Kumalat sa Facebook ang mga gawa-gawang news card at public advisory poster na nagsasabing magkakaroon ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang rehiyon ngayong Hunyo dahil sa pagdami ng kaso ng Mpox virus sa Pilipinas.



