FACT-CHECK: Hindi totoong suportado ng ilang NBA players ang pagtakbo ni Sara Duterte sa pagka-pangulo
Nakakuha ng malawak na atensyon online ang isang satirical post sa Facebook na maling nagsasabing sinusuportahan umano ng mga manlalaro ng NBA ang pagtakbo ni Sara Duterte sa pagkapangulo sa 2028, pinupuri at pinapalakpakan pa ng ilang netizen sa comment section ang mga atleta dahil sa kanilang diumano’y paninindigan.



