Tinanggal sa pagiging deputy speaker of the House si dating Pangulo at ngayoy Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at si Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab, dalawang kilalang masugid na taga suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.
Normal nga lang ba itong nangyayari sa Kamara or may mas malalim pang dahilan ang biglaang pagkakatanggal sa kanila? Ito na kaya ang malaking lamat sa UniTeam coalition ni Pang. Bongbong Marcos?
Sa isang banda naman, nasaksihan ng buong mundo ang karumaldumal na pagpatay kay broadcaster John Jumalon o mas kilala sa tawag na DJ Johnny Walker nang pagbabarilin siya ng isang di kilalang salarin habang nag poprogram sa kanyang istasyon ng radyo at naka livestream pa. Siya ang ika apat na mamamahayag na pinatay mula nang maupo sa pagka pangulo si Pangulong Marcos Jr.
Kasama pa dito ang kamakailan lang ay ang doxxing, o pagsasapubliko ng sensitibong information ng ating kasamahang mamahayag na si Leonardo Cong Corrales ng Mindanao Gold Star Daily ng Cagayan de Oro City. Maka ilang ulit din siyan na red-tag bago itong doxxing
Awayan sa pulitika at atake sa mga mamamahayag, dalawang isyung mahalagang pag usapan patungkol sa ating demokrasya.
Para sa mas malalim na usapan, sasamahan tayo ni dating Bayan Muna congressman at masugid na taga suporta ng malayang pamamahayag sa Pilipinas, si Atty. Karlos Isagani Zarate.
Samahan niyo po kami at tuloy po kayo sa loob ng Press Room.