Here is an excerpt of President Rodrigo Duterte’s address to the people that was broadcast on April 24, 2020
We are posting here the part where he mentioned his intention to declare Martial Law in the entire country.
***
I never said “I will declare martial law” kasi ‘yung martial law ho para lang ‘yan sa mga rebelde, para sa mga komunista. Now let me be very clear on this, if itong lawlessness which was imposed on us by the NPAs for the longest time, 53 years — maski saang probinsya may NPA.
Kanina o kahapon, dalawang army nag-escort para i-deliver ang supply sa mga tao pati pera pinatay ninyo. If that is not lawlessness, what is that? Tell me.
Kaya ngayon, ‘pag nagpatuloy kayo ng lawlessness ninyo, patay dito, patay doon and it’s happening all over the Philippines, maybe I will declare martial law because kayong mga NPA ang numero uno. Kinukuha ninyo ‘yung mga tulong sa tao pati ‘yung supply pagkain nila.
Kaya I am now warning everybody and putting notice sa Armed Forces pati police, I might declare martial law and there will be no turning back. Kung ano ang martial law na klaseng gagawin ko akin lang ‘yan. Pero kung gusto ninyo kasi pinagpapatay ninyo ‘yung mga sundalo ko pati pulis na wala namang ginawa kung hindi samahan lang ‘yung nagde-deliver ng pera pati pagkain… Ang utos ko sa kanila patayin — patayin kayo? O di patayin ninyo sila. Lahat na. Tapusin na natin ito sa panahon ko. I have two more years. I will try to finish all of you.
Pati kayong mga legal magtago na kayo. Huwag ninyong sabihin p****** i** na wala kayong… You know, you’re a b***s***, you’re the legal fronts. Sa inyo kumukuha kayo ng pera. Ang mga negosyo dito na malalaki sa Pilipinas, nagdedeposito ng pera ‘yan sa bangko, sa account ninyo. Kinukuha ninyo ‘yan. Iyan ang totoo diyan kaya nabubuhay ‘yang NPA. Pati pa ‘yung extortion niyo doon sa labas.
Marami kayong pera. Alam mo ang gobyerno ayaw niyan. Government is very jealous. There is only one entity who can collect taxes. It’s government. And that money must be put to good use. Well hindi naman kami — kung hindi ka makabayad, wala naman kaming pinapatay. Eh kung wala talagang ikabayad, anong gawin natin? Wala naman kayong nabalitaan nakulong.
So we do not do that. But do not force my hand into it. Kay kung hindi, ‘pag martial law, lahat kayong mga legal fronts magtago na kayo. Magtago na kayo. Huwag ninyo akong bolahin. Galing ako diyan.
Alam mo ‘yang Karapatan noon, ang unang — ang predecessor na tinatawag nila was the Committee of Justice, Freedom, and Democracy.
In Davao City, I was a fiscal but I was handling the Karapatan noon sa Davao. For the reason na — hindi ko nagustuhan ‘yung klaseng pamaraan sa gobyerno.
It was a dictatorship and it was not really… Hindi naman tayo — sinira ang demokrasya. Kaya kung sabihin ninyo na sisirain ko ang demokrasya, hindi. Lili — lulutasin ko ang demokrasya sa inyo. You made it impossible for me to move. At gusto ninyo ipasok muna ‘yung mga demand.
Ayaw naman ng military. Ibinigay ko sa military ‘yung papel ninyo. Sabi ng military, ayaw nila. Sabi ko, “Ano? You explain to me bakit.” So I gave them about two hours explaining to me bakit. “Bakit hindi pwede ‘yan?” “Eh ganito ‘yan sir eh.”
Sabi ko, “Sige, naniwala ako sa inyo.” And I’m calling the Armed Forces to invent something more — to innovate so that my — the soldiers will not be at the mercy of ‘tong…
‘Pag dalawa lang ‘yang sundalo, kawawa naman. Magdating ‘yan diyan, they will just swoop down isang — 10, wala talagang laban. Kaya sabi ko at this time, the Armed Forces should go into innovations.
Huwag kang — sabi ko huwag kang mag-surrender ha. Kayong mga NPA — do not ever, ever raise your hands. Kasi ang order ko kung lumaban ka, lumaban ka na. Wala, huwag kang mag-surrender.
Well, napunta tayo diyan kasi galit ako kasi pinapatay ninyo ‘yung tulong sa tao. Now ‘yung tulong sa tao will continue. We will not reduce the volume at this time but we are running low of funds.