Mali ang sinabi ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap sa kaniyang Facebook page na “Vincentiments” na hindi kailanman naging ehekutibo si dating Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo sa kanyang “Vincentiments” noong Hulyo 27.

Ang konteksto nito ay dinedepensahan ni Yap ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, na hindi muna bumisita sa mga bahagi ng Ilocos Sur na niyanig ng lindol. Kinumpara ito ng mga kritiko sa mga aksyon ni Robredo, na malimit ay nangunguna sa mga lugar na nasalanta. 

Natalo ni Marcos si Robredo sa halalan noong Mayo sa pagkapangulo.

Sumang-ayon si Yap sa sinabi ni Marcos na ang pagbisita ng isang mataas na opisyal ay magiging sagabal lamang sa pagsagip at pamimigay ng ayuda, at binatikos pa si Robredo sa pagkuha ng mga larawan tuwing siya ay bibisita sa mga lugar na nasasalanta. 

“Hindi ito narealize ng mga PINK kasi di naman naging executive ang lodi nila,” aniya.

MALI si Yap dahil bilang bise presidente, naging bahagi si Robredo ng Ehekutibo ng pamahalaan, at pinangunahan ang kanyang opisina, ang Tanggapan ng Bise Presidente, na gumawa ng mga proyekto at programa, at gumastos mula sa badyet ng gobyerno. Isang halimbawa nito ay ang programang Angat Buhay na ipinagpatuloy ni Robredo sa isang NGO. 

Nanunungkulan ang mga bise-presidente ng anim na taon, mas mahaba pa sa mga termino ng lokal na opisyal na tatlong taon lamang, na maaaring ang uri ng ehekutibo na pinapatungkulan ni Yap.

Naitakda rin si Robredo bilang tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council, sa gabinete at ehekutibong posisyon, at nanungkulan mula Hulyo hanggang Disyembre 2016, hanggang inialis siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkontra laban sa paglibing ni dating diktador Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani.

Ang bagong “enfant terrible” Pilipino, na mayroong malawak na impluwensiya, at tumatiginting na halos anim na milyong tagasuporta sa Facebook, ay maaaring kumonsulta sa Artikulo VII ng 1987 Saligang Batas na naglalaman ukol sa Ehekutibong Departamento. 

Noong kampanya, si Yap ay nagdirekta ng mga maiikling video na nagtatampok kay Senador Imee Marcos, ang seryeng Len-len na umatake sa pagkababae ni Robredo at sa kanyang pampublikong imahe. 

Hindi pa tumigil roon si Yap at dinirekta rin ang “Maid in Malacanang” na kinekwento umano ang tunay na nangyari sa mga huling oras ng mga Marcos sa Palasyo bago sila tumakas sa bansang Hawaii noong 1986 EDSA People Power.

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.