Si Magno ay nasuspindi sa Twitter noong Enero 2022 pero nagbabalik sa ilalim ng bagong handle

Claim: Ang mga sumusuporta kay Robredo ay masungit at mapang-amok. 

Rating: Hindi Totoo

Sa paghahangad na siraan ang mga tagasuporta ni Leni Robredo, ni-recycle ng social media influencer na si Jam Magno ang isang lumang bidyo ng aktres na si Pinky Amador na makikitang nagngangalit sa isang hotel staff.

Mali at mapanlinlang ang kanyang post dahil ito ay kinunan noong Hunyo 2020, hindi noong kasagsagan ng kampanya kung saan ang iba pang artista katulad ni Amador ay hayagang sumusuporta kay Robredo.

Wala rin itong kinalaman sa halalan 2022.

“Pinky Amador, a Certified Kakampink and Supporter of Leni Robredo. Ganito umasta ang mga Kakampinks, matapobre at feeling angat sila sayo. Tropang angat, piece of sh*t lahat,” aniya ni Magno.

Nakibahagi rin si Magno sa lohikal na kamalian ng malawakang paglalahat sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga tagasuporta ni Robredo bilang “matapobre at feeling angat.”

Nasuspinde si Magno sa Twitter noong Enero 2022, ngunit bumalik sa platform sa ilalim ng bagong handle.

Ang kanyang ni-recycle na video, na nai-post noong Abril 5, ay na-like ng 785 beses at na-retweet ng 238 beses.

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

An X user makes the false claim that the United States has five military bases in the Philippines.CLAIM:  The United States has five military bases in the Philippines. RATING: FALSE   An X user made the false claim that the United States has five military bases...

read more