Ang dating diktador na si Ferdinand Marcos ay ang talagang nagsagawa ng malaking pandaraya noong 1986. Ito ay ayon sa grupo ng 44 na independent foreign election observers mula sa 19 na ibang bansa.

Claim: Nandaya si Cory Aquino noong 1986 snap elections

 

Rating: HINDI TOTOO


Ang Facebook page na “Rodante Marcoleta Supporters Live” ay nagpakalat ng pekeng kwento sa isang video na si dating presidente Cory Aquino ay nandaya noong 1986 snap election.

Ang video, na mirrored version lang ng isang vlog mula sa Youtuber na si “Idol Caloy,” ay naglalaman ng clickbait na pamagat: “PANG-AAKUSA NI BALLSY NA MANDARAYA SI PBBM AGAD BUMALIK SA KANYA, CORY MAS TOTOONG NANDAYA NONG 1986.”

“Ballsy Aquino, maluha-luha dahil pinamukha sa kanyang mas malaking madaraya ang kanyang inang si Cory Aquino,” ang nakalagay sa video, na tumutukoy sa panganay ni Cory Aquino, Ballsy Aquino-Cruz.

Ngunit ang video, na noong Aug 29 ay mayroon nang 5,000 views, ay hindi naglapag ng kahit anong pruweba na si Aquino ay totoong nangdaraya noong 1986 snap election, Hindi din napatunayan ng video na halos mangiyak-iyak daw si Balsy Aquino nang sinabihan siyang ang kaniyang ina ay nagsagawa ng malaking election fraud.

Sa katunayan, ang kampo ng dating diktador na si Ferdinand Marcos ang gumawa ng malakihang pandaraya noong 1986. Ito ay ayon sa isang grupo ng 44 na independent foreign election observers mula sa 19 na ibang bansa.

“The electoral anomalies which we have witnessed are serious and could well have an impact upon the final result,” pahayag ng mga observers, na ini-ulat ng New York Times noong Feb 10, 1986, ilang araw makalipas ng election.

“Occurrences of vote-buying, intimidation and lack of respect for electoral procedures were present,” sabi nila.

Ang mga observers ay hindi rin nakatuklas ng kahit anong pandaraya mula kay Aquino.

“The above-listed violations were perpetrated by national and local officials who supported the Marcos-Tolentino ticket. While we cannot exclude the possibility, our delegation did not observe a single election code violation by supporters of the opposition party despite efforts undertaken to monitor their activities,” saad ng 350-pahinang ulat.

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.