Ang rason kung bakit naiwan si Doña Josefa ay marahil sa kanyang katandaan; bago magsimula ang pag-aalsa noong 1986 siya ay 93 taong gulang na.

CLAIM: Iniwan ni yumaong diktador Ferdinand Marcos Sr. ang kaniyang inang si Josefa Edralin Marcos nang mapatalsik ito sa pwesto ng People Power Revolution noong 1986.

 

RATING: KULANG SA KONTEKSTO


Makalipas ang tatlong dekada mula ng makasaysayang pag-aalsa, ang mga Marcos ay muling nagbalik sa Malacañang at nagbabadya ito ng hamon sa kasaysayan. Lumalaganap ngayon mula sa mga gumagamit ng social at content creators ang usap-usapin na iniwan daw ni Ferdinand Marcos Sr. ang kaniyang ina nang tumakas sila papuntang Hawaii noong 1986.

Ang isang Facebook post pa lamang ni Mark Rossimo patungkol sa dito ang umaabot ng 11,000 shares at 1,600 na komento.

Ang salaysay na iniwan si Doña Josefa Edralin Marcos ay totoo ngunit kailangan pa nito ng karagdagang konteksto.

Ayon sa report ng New York Times noong March 30, 1986, hindi alam ni Doña Josefa na pinatalsik ang kaniyang anak ng “People Power Revolution”.

Nagiwan din ang presidente ng bayarin sa ospital ng kaniyang ina na nagkakahalagang $57,250. Binayaran ito ng administrasyon ni Cory Aquino sa makataong batayan, sabi sa report.

Isa pang kilalang diyaryo mula Amerika, ang Los Angeles Times, ay may kaparehas na ulat na isinulat ng United Press International.

Si Doña Josefa ay iniwan marahil na rin sa kaniyang edad; bago magsimula ang pag-aalsa noong 1986 siya ay 93 taong gulang na. Dalawang taon ang makalipas, namatay siya noong 1988.

“Friends say the deposed President’s mother is, at age 93, too physically weak to be told. Instead, she remains where she has been for the last eight years, confined to the Philippine Heart Center,” ayon sa report ng Times noong March 1986.

Inulat din ni Ruben Alabastro, reporter mula sa Associated Press, na sinabi daw ng head ng Philippine Heart Center na si Dr. Ezperanza Cabral na bagamat walang kahit anong sakit ang ina ni Marcos Sr., ito naman daw ay may “general degeneration associated with old age.”

Dali-daling umalis ng Malacañang noong Feb. 25, 1986 ang pamilya Marcos matapos na manumpa ni Marcos Sr. at Aquino sa magkaibang inagurasyon at nang bawiin ng mga Pilipino ang pwesto sa palasyo ng Malacañang sa Maynila. (Translated by Andrei Duran)

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

An X user makes the false claim that the United States has five military bases in the Philippines.CLAIM:  The United States has five military bases in the Philippines. RATING: FALSE   An X user made the false claim that the United States has five military bases...

read more