Pinayagan na ng International Criminal Court (ICC) ang pagsisimula ng official investigation sa mga ‘di umanong “crimes against humanity” na nangyari sa kasagsagan ng war on drugs ng Pangulong Rodrigo Duterte. Kasama sa coverage ng imbestigasyon ang mga patayang may kaugnayan sa illegal na droga na nangyari sa Davao City sa taong 2011 kung saan si Duterte ay vice mayor pa ng lungsod.

Sabi ng ICC may “reasonable basis” para ipagpatuloy ang pag iimbestiga sa kaso. Dagdag pa ng ICC na natupad ng petition ang “specific legal element of the crime against humanity of murder”

Kasama natin para himayin ang isyung ito si Manny Mogato, ang ating columnist at editor-at-large ng PressONE.ph. Nanalo siya ng Pulitzer Prize sa kanyang investigative report sa war on drugs ni Duterte. Kasama din natin si Carlos H. Conde, dating journalist ng New York Times at ngayon ang Senior Researcher, Asia Division ng Human Rights Watch.

Tayo na sa isang malalimang talakayan dito lamang sa loob ng Press Room.

 

LISTEN ON SPOTIFY: