Hindi totoo na sinabi ni Leni Robredo ang mga pahayag na kinakabit sa kaniya patungkol sa isyu ng muling pagbubukas ng BNPP

Claim:  Tumutol si dating bise presidente Leni Robredol sa muling pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) at napagkamalan ang dapat na ‘nuclear power source’ bilang nuclear bomb.

Rating: HINDI TOTOO


Bakit kailangan itong i-fact check: Ang naturang litrato ay kasalukuyang mayroon nang 2,000 reaksyon, 762 komento, at at na-ishare ng 130 beses.

Ang bottomline: Hindi sinabi ni Robredo ang pahayag na kinakabit sa kaniya patungkol sa muling pagbubukas ng BNPP. Ang tanging sinabi lamang niya tungkol dito noong nakalipas na kampanya para sa naganap na halalan ay ang kaniyang pagiging bukas sa paggamit ng nuclear energy bilang power source ngunit, ani din niya, siya ay tutol sa pagbubukas muli ng BNPP dahil sa mga safety concerns.

Ang mga safety issues: Noong 2016, ang Pilipinong scientist na si Kelvin Rodolfo ay tumutol sa planong pagbubukas ng administrasyong Duterte sa BNPP dahil ang planta ay nakatayo sa earthquake fault ng Pampanga patungo sa Natib Volcano. Ang bulkan ay matatagpuan 7.5 kilometro mula sa planta.

Samantala, si Fabian Dayrit ng National Academy of Science and Technology naman ay nagpahayag din ng pagkabahala sa waste disposal ng BNPP noong 2020 at sinabing ang ibang mga bansa ay may problema din sa disposal.

Satire lamang? Ang photo card na kumakalat sa Facebook ay cropped photo na pinost ng Philippine Daily New Society noong July 17 na matuturing na ‘satirical page.’

Ang “satire” bilang genre, ay inaabuso ng mga state-sponsored propaganda networks habang nagpapakalat ng mga intriga at hindi totoong mga pahayag. Ang madalas na birong gamit kay Robredo ay mga misquotes na pinagmimistula siyang tanga. Ang ganitong mga salaysay ay maituturing na gendered disinformation na gamit laban sa mga kababaihang lider na madalas ilarawan bilang hindi tapat, tanga, mahina, or sekswal at immoral upang “ilarawan sila na hindi mapagkakatiwalaan at hindi dapat mamuno, maging pampublikong personalidad o impluwensiyahan ang lipunan,” ayon sa isang pag-aaral ng Demos na think tank na nakabase mula sa London. (Translated by Andrei Duran)

This fact-check was produced by PressOne.PH as part of a fact-checking grant from the Philippine Fact-Checker Incubator (PFCI) Project. The PFCI supports news organizations to allow them to meet global fact-checking standards under the International Fact-Checking Network’s Code of Principles. 

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at news@pressone.ph.