CLAIM: Nahuli na si Alice Guo at hawak na ng mga awtoridad.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang YouTube channel na may ngalang “PH SHOWBIZ UPDATE” ang naglabas ng mga video na nagpapakalat ng hindi totoong kwento na naaresto na raw ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Sa title at thumbnail ng kanilang mga video, tahasang nilang sinabi na  natagpuan na daw si Guo at natunton na di’umano ang eksaktong kinaroroonan nito.

Nito lang nakaraan ay mali ring isiniwalat ng nasabing channel na isa daw si Guo sa mga nahuli sa isang operasyon sa isang bahay na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Harry Roque sa Tuba, Benguet.

Sa kabilang banda, lumabas sa mga report na posibleng nakalabas na ng bansa ang kontrobersiyal na alkalde at pinaniniwalaang nasa Indonesia.

Kinumpirma na ng Bureau of Immigration ang nasabing intel sa isang press release.

Samantala, naharang naman ng mga opisyal sa Indonesia si Shiela Guo, na kapatid ng alkalde, at ang ang sinasabing matalik na kaibigan ni Guo na si Cassandra Ong noong Aug. 22. 

Naniniwala din ang ahensya na kasama nila si Alice na dumating sa Batam noong Aug. 18. Hurt Allauigan


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});