Maling sinabi  sa isang Facebook page na ang dating arsobispo ng Maynila Luis Antonio Cardinal Tagle ang unang Asyanong Santo Papa sakaling mahala sa posisyon. Siya ang magiging unang obispo at  head ng Roman Catholic Church.

 

CLAIM: Kung mapili si Cardinal Tagle bilang susunod na Papa, siya ang unang Asian Pontiff.

RATING: HINDI TOTOO


Ang Facebook page na Wanna Fact PH, na may katagang  “One fact at a time. Inside story for Lifestyle, Politics and Trending news,” ay nagpost ng isang social media card na nagsasabing kung matatalaga bilang susunod na Santo Papa si  dating Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay siya ang magiging kauna-unahang Asian pope.

Hindi ito totoo.

Ang Catholic Encyclopedia ay mayroong listahan ng 266 na Papa ng Roman Catholic Church. Ang Liber Pontificalis ay naglalaman ng mga biyograpiya ng mga dating Papa mula kay St. Peter o San Pedro patungo sa mga naging kapalit nito hanggang sa ika-15 na siglo. Ang annual directory ng The Holy See, Annuario Pontificio, ay naglista din ng pagkakasunod-sunod na pangalan ng mga dating Santo Papa. 

Ang unang naitalagang Santo Papa na si St. Peter San Pedro ay ipananganak sa Bethsaida, na  mas kilala ngayon bilang Golan Heights. Matuturing itong Syrian territory na okupado ng Israel na matatagpuan sa Middle East (Gitnang Silangan) na bahagi ng kontinenteng Asya.

Ayon sa Liber Pontificalis, si St. Evarsitus, ang pang-apat na Santo Papang pumalit kay St. Peter, ay ipinanganak sa Bethlehem na ngayon ay parte ng Israel  nagpapatunay lamang na siya ay asyano rin.

Sa kabuuan ay may 10 Santo Papa mula sa Asya:

  • lima  mula sa modern-day Syria (St. Anicetus, Pope John V, Pope Sisinnius, Pope Constantine, at Pope Gregory III);
  • tatlo mula modern-day Israel (St. Peter, St. Evaristus, at Pope Theodore I); at
  • dalawa mula sa Anatolia ng modern-day Turkey (Pope Conon at Pope John VI).

Si Tagle, kasama ang Hungarian Cardinal na si Péter Erdő na arsobispo ng Esztergom-Budapest, ay pinangalanan sa isang istorya ng Catholic Herald na ‘papabile’ o matutunog na pangalan kung sakaling mailunsad ang pagpili sa susunod na Santo Papa.

Sinabi ni Carlos Antonio Palad, kolumnista ng  PressOne.PH at isang Catholic apologist, sa isang Facebook post na ang mga nangunguna para sa papal conclave ay hindi palaging nahahalal bilang Santo Papa.

“Since the beginning of the 20th century, there has been only one conclave where there was one super-clear frontrunner for the Papacy, and where that frontrunner got elected: 1939, when the Cardinals elected the Secretary of State Eugenio Card. Pacelli, who took the name Pius XII,” aniya.

 

Humahalintulad ito sa Italyanong saliwakain: “He who enters the conclave as pope, leaves it as a cardinal.” 

Ang mga usap-usapin patungkol sa posibleng papal resignation ay pumutok noong mga nakaraang linggo nang magkaroon ng health issues si Pope Francis at nang mai-ulat ang nalalapit nitong pagbisita sa L’Aquila shrine kung saan nakahimlay ang katawan ni Pope St. Celestine V, ang unang Santo Papa na nagbitiw sa posisyon.

Ang sinundan ni Pope Francis na si Benedict XVI ay bumisita din sa L’Aquila matapos itong maapektuhan ng isang malakas na lindol noong 2002. Iniwan ni Benedict ang  papal pallium na natanggap niya sa kaniyang inaugaral mass noong April 2005. Ngayon ay suot na ni St. Celestine ang pallium ni Benedict.Rommel F. Lopez (Translated by Andrei Duran)

This fact-check was produced by PressOne.PH as part of a fact-checking grant from the Philippine Fact-Checker Incubator (PFCI) Project. The PFCI supports news organizations to allow them to meet global fact-checking standards under the International Fact-Checking Network’s Code of Principles. 

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at news@pressone.ph.