Ang pagtatayo sa naturang proyekto ay nakatakdakng magsimula noong Hulyo ng 2022 at inaasahang matatapos sa 2027. Wala pang opisyal na announcement ang DPWH patungkol dito.

 

CLAIM: Nagsimula na ang konstruksyon sa Samal-Davao bridge project

RATING: HINDI TOTOO

Maling sinabi ng Facebook user na si Dhing Inferido Cubalan Jr. nagsimula na daw ang pagpapatayo sa Samal Island-Davao connector bridge.

Ang naturang post ay nagpapakita ng mga barikada at makina sa tabi ng kalsada at ang tila magiging pinal na hitsura ng tulay. Nakatanggap na ang post ng 728 na reaksyon at nai-sahare ng halos 3200 na beses.

Ayon sa kapsyon nito: “Dili na dyud ni drawing tinood na dyud ni nag start na Ang SAMAL BRIDGE PROJECT..” “Hindi na ito drawing. Nagumpisa na ang SAMAL BRIDGE PROJECT.”

Ang pahayag na nagsimula ang konstruksyon ng tulay ay hindi totoo.

Ang website ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay hindi pa nag-aanununsiyo na talagang nagsimula na ang pagsasagawa ng connector bridge.

Wala ring nabanggit sa mga opisyal na website ng mga media organization ng pamahalaan gaya ng Philippine News Agency at ng People’s Television Network na nagumpisa na naturang konstruksyon.

Ang mga ‘big-ticket’ infrastructure project ay kadalasang pinasisiyaan sa pamamagitan ng groundbreaking ceremonies. Noong 2018, pinangunahan ni President Rodgrigo Duterte ang ang groundbreaking ceremony para sa Panguil Bay Bridge. May report ang website ng Communications Secretary sa tagpong ito.

Ang Samal-Davao connector project ay sakop ng “BUILD BUILD BUILD” program ni Duterte. Ang kasunduan ng proyekto ay nilagdaan noong January 2021 sa ilalim ng loan agreement sa China na nagkakahalagang P19.32-bilyon. Ngunit, ang proyekto ay ilang ulit naipagpaliban dahil hinihintay ang pondo para rito.

Ni-report ng DPWH na ang disenyo at anyo ng tulay ay pinirmahan noong July 6, 2022 kasunod ng pagpirma naman sa Framework Agreement and Loan Agreement noong June 13, 2022.

“With an indicative cost of ₱23.039-billion, Samal Island-Davao City Connector Project is envisioned as a modern bridge that will connect the Samal Circumferential Road in Barangay Limao, the Island Garden City of Samal to Davao City in between R. Castillo-Daang Maharlika junction,” ayon sa DPWH.

Ang pagtatayo sa naturing na proyekto naka takdakng magsimula nitong Hulyo ng 2022 at inaasahang matatapos sa 2027. Wala pang salaysay ang DPWH patungkol dito.

Sa kabilang dako, ang Department of Finance kasama ng DPWH, ay sinangayunan ang pagkakaroon ng joint meeting patungkol sa mahahalagang infrastructure project noong August 25.

Tinalakay sa nasabing miting ang pagsusuri sa mga proyektong sakop ng Official Development Assistance. Isa sa mga proyektong sinusuri pa ay ang Samal Davao City Connector.

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Binago daw ng mga Aquino ang Kasaysayan?

Binago daw ng mga Aquino ang Kasaysayan?

Noong nakaraang Mayo, nagpost ang YouTube Channel na @Filipino Future sa community tab ng kanilang channel ng isang gawa-gawang fact check kung saan sinabi nila na pinasunog daw ni dating pangulong Cory Aquino ang mga history books na nilimbag noong panahon ng diktaduryang Marcos ngunit wala silang pinakita ni isang ebidensya.

read more