CLAIM: Hindi binigyan ang pamilyang Marcos ng pagkakataon para ipagtanggol ang kanilang sarili patungkol sa kanilang estate tax case
RATING: HINDI TOTOO
Sa isang panayam kasama si Toni Gonzaga noong Martes, maling ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi daw binigyan ng pagkakataon na mapakinggan ang kanilang panig patungkol sa mga kasong isinampa ng gobyerno sa kanilang pamilya noong 1990s para sa bilyon-bilyong estate taxes na hindi pa nila nababayaran.
“We were never allowed to argue because when this case came out, we were all in the US. So when it was the time for us to answer, we had no chance to answer because we were [detained] in Hickam Air Force Base in Hawaii,” ani nito sa interview na pinalabas sa ALLTV channel.
HINDI ITO TOTOO.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Rappler editor-at-large Marites Danguilan Vitug ang statement ni dating Supreme Court (SC) senior associate justice Antonio Carpio kung saan sinabi nito na mismong si Imelda Marcos, pagbalik nila sa bansa magmula sa pagkaka-exile, ang tumanggap ng mga notice of tax assessment na pinadala sa kanila ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ani daw ni Carpio:
“The BIR notices of tax assessment were issued to and received by Imelda Marcos after the Marcoses returned to the [Philippines] from exile. The Marcoses deliberately ignored the BIR notices until the Leyte properties of the Marcos estate were auctioned off by the BIR. BBM (Bongbong Marcos) then questioned the validity of the assessment before the CA (Court of Appeals) and finally before the SC where Imelda also intervened and filed a second MR (motion for reconsideration).”
Ayon sa 1997 Supreme Court decision patungkol sa Marcos estate tax case, na nagdeny sa apila ni Marcos Jr., binigyan ang kanilang pamilya ng pagkakataon na tumutol sa notices ng BIR ngunit hindi nila ito binigyang pansin hangga’t sa sinimulan nang i-auction ng bureau ang mga pag-aari nila sa Leyte.
“The deficiency tax assessments were not protested administratively, by Mrs. Marcos and the other heirs of the late president, within 30 days from service of said assessments,” saad sa desisyon.
Sa isang Press Room podcast episode noong April, ipinahayag ni dating Presidential Commission on Good Governance at Commission on Elections chairman Andres Bautista na nagkaroon sila ng meeting kasama ang magkapatid na Marcos noong 2011.
Sa meeting na ito, nagtanong ang mga Marcos kung magkano ba ang kailangan nilang bayaran sa gobyerno upang maresolba na ang kanilang mga kaso.
“At that time, pati ‘yung estate tax iniisip na rin nila kung paano aayusin,” sabi ni Bautista.
Subalit, pagtapos ng naturang meeting, wala nang kahit sino sa pamilyang Marcos ang nagreach out para subukan isaayos ang mga kaso nila. —Mariel Natanawan
PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
FACT-CHECK: Supposed video of Quiboloy’s arrest is fake
A Facebook reel containing a manipulated video of the supposed arrest of fugitive pastor Apollo Quiboloy has gained widespread attention.
FACT-CHECK: No sentence yet for controversial KOJC pastor
A TikTok video erroneously claimed that controversial pastor Apollo Quiboloy was not guilty of the charges filed against him.
FACT-CHECK: President Marcos, MrBeast not promoting online casino app
Images of a famous American YouTuber and President Ferdinand Marcos Jr. have been manipulated to give a false impression that they are promoting a mobile casino app.