CLAIM: Nagpasya daw ang Korte Suprema na kailangang palitan ang pangulo.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Nag-post ang isang TikTok user ng isang edited na video na maling nagpapahiwatig na naglabas daw ng utos ang Korte Suprema ng Pilipinas na palitan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa ngayo’y buradong post, ipinakita ang TikTok user ng maikling clip ng dalawang news host na tila pinag-uusapan ang diumano’y utos ng Korte Suprema na palitan ang pangulo. Ang mahahalagang konteksto ng video ay naalis dahil sa pag-edit.

Taliwas sa pahayag, nakasaad sa Artikulo 11 ng Konstitusyon ng 1987 na walang kapangyarihan ang Korte Suprema na magpatalsik o mag-impeach ng pangulo. Ang punong mahistrado o chief justice ang siyang mamumuno sa proseso, ngunit hindi boboto sa desisyon.

Ang orihinal na video ay mula sa programang “Sa Ganang Mamamayan” ng Net 25 na ipinalabas noong Abril 4.

Ang mga host ng programa ay nag-uulat tungkol sa desisyon ng hukuman ng South Korea na i-impeach si dating pangulong Yoon Suk Yeol.

Walong justice ng lupon ng naturang bansa ang bumoto laban kay Yoon noong Abril 4, na nagresulta sa kanyang opisyal na pagtanggal sa puwesto.

Ang prime minister ng South Korea na si Han Duck-soo ang naging pansamantalang pangulo ng bansa.

Magkakaroon ng eleksyon para sa bagong pangulo ng South Korea sa darating na ika-3 ng Hunyo, alinsunod sa proposal ni Han.

Bago burahin ang naturang post, nakakuha ang video ng 350,000 na views at 20,000 na reaksyon sa TikTok. Leigh San Diego


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

read more