CLAIM:  Nagbitiw sa pwesto ang ilang mga senador kasunod ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang video sa TikTok ang nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa pagbitiw umano sa pwesto ng ilang mga senador bilang protesta sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama sa video ang isang text na nagsasabing, “Anu na mangyayari sa Pilipinas halos lahat ng mga official nag resigned [sic] salute.” (Ano na ang mangyayari sa Pilipinas kung halos lahat ng opisyal ay magbitiw? Saludo!)

Ang video ay naglalaman ng pinagsama-samang clips mula sa mga pahayag nina Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri, Joel Villanueva, Nancy Binay, Sonny Angara, at JV Ejercito.

Gayunpaman, batay sa opisyal na YouTube channel ng Senado ng Pilipinas, ang mga clips na ginamit ay hindi bago at hinango mula sa Senate Session No. 75 na ginanap noong Mayo 20, 2024.

Sa sesyong iyon, bumaba sa pwesto si Zubiri bilang tagapangulo ng senado, kasunod nina Angara, Binay, Ejercito, at Villanueva, na nagbitiw sa kani-kanilang posisyon bilang pinuno ng mga komite sa Ika-19 na Kongreso.

Ang kanilang pagbibitiw bilang Pangulo ng Senado at mga tagapangulo ng komite ay walang kaugnayan sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte at hindi nangangahulugang nagbitiw sila bilang mga senador.

Lahat ng kasalukuyang senador sa Ika-19 na Kongreso ay nakalista sa opisyal na website ng Senado ng Pilipinas.

Hindi na din kabilang si Angara sa listahan ng mga aktibong senador dahil siya ay itinalaga bilang kalihim ng Department of Education ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hulyo 19, 2024.

Sa kasalukuyan, ang naturang TikTok video ay mayroon nang 960,800 views, 53,700 reactions, 2,226 comments, 6,297 bookmarks, at nakakuha ng 4,425 na shares. Michael Hermoso – Bautista


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});