

PAHAYAG: Naglabas si Cebu Gov. Gwen Garcia ng executive order na nagbabawal sa malalaking pagtitipon ng mga tao sa Cebu hanggang Hunyo 2022 para maiwasan ang pagkalat ng virus.
HATOL: SATIRE
Hindi totoo na naglabas si Cebu Gov. Gwen Garcia ng Executive Order na nagbabawal sa malaking pagtitipon ng mga tao sa Cebu hanggang Hunyo 2022 para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Ang “anunsyo” ay nagmula sa satire page na “Cebu Dairy News” noong Abril 21, na tila sinadya upang patawanin ang mga tagasunod nito.
Sa satirical na “JUST IN” “news” item, iniulat ng humor page ang matinding reaction umano ni Garcia matapos ang rally ni Vice President Maria Leonor Robredo sa Mandaue, na dinaluhan ng 250,000 katao. Inendorso ni Garcia ang karibal ni Robredo na si dating senador Ferdinand Marcos Jr.
Ngunit ang satire post ay nagdulot ng galit kay Garcia, na nag-post kinabukasan ng screenshot nito na may mga salitang “FAKE NEWS” na nakapatong.
Ginagaya ng “Cebu Dairy News” ang lumang page ng Cebu Daily News, na binago na ang pangalan sa “CDN Digital” pagkatapos na ihinto ang print edition noong huling bahagi ng 2018.
“Satire” ang rating ng mga fact-checker ng PressOne.PH sa mga content na gumagamit ng irony, pagmamalabis, o kahangalan para sa pagpuna o kamalayan, lalo na sa konteksto ng mga isyung pampulitika, relihiyon, o panlipunan, ngunit hindi agad mauunawaan ng ordinaryong nagbabasa.
Bagama’t malinaw na inilalarawan ng “Cebu Dairy News” ang sarili nito bilang isang parody page, ang post na pinag-uusapan ay hindi binansagan bilang satire, at maaari pa ring iligaw ang mga tao, gaya ng gobernador ng Cebu.
PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph
PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).


FACT CHECK: Post claiming Robredo ‘accidentally’ voted for Marcos Jr. is SATIRE
While “Philippine Dairy Inquirer” describes itself as a parody page, the post in question was not labeled as satire, and could still mislead people into thinking that Robredo had voted for Marcos.

FACT-CHECK: Duterte did not endorse Leni Robredo for president
A video of a person speaking at a campaign rally who sounds like President Rodrigo Duterte endorses Vice President Leni Robredo for president. But that was not the president.

FACT-CHECK: Duterte does not have the authority to declare a failure of elections
Fashion designer Gian Henderson made a false claim that President Rodrigo Duterte has the authority to declare a failure of elections and install a revolutionary government