Isang social media post ang nagpapakalat ng kasinungalingang bilyong pisong pondo na para sa rehabilitasyon ng mga biktima ng bagyong Yolanda ang ibinulsa nina dating pangulong Noynoy Aquino, dating interior secretary Mar Roxas at bise presidente Leni Robredo.

ANG SABI-SABI: Nagpapakilala daw na walang bahid sina yumaong dating pangulo Noynoy Aquino, dating interior secretary Mar Roxas at kasalukuyang bise presidente Leni Robredo sa kabila ng kanilang “lantarang pagnakaw ng bilyong halaga” mula sa pondo para sa rehabilitasyon ng mga tinamaan ng bagyong Yolanda.

MARKA: HINDI TOTOO


Isang Facebook page ang nagpalabas ng litrato nina yumaong dating pangulo Noynoy Aquino, dating interior secretary Mar Roxas at kasalukuyang bise presidente Leni Robredo na may caption na nagbibintang sa kanila ng pagbubulsa ng bilyong piso mula sa Yolanda funds.

Walang katotohanan ang pahayag na ito.

Sina Aquino, Roxas at Robredo ay hindi naakusahan ng pandarambong sa pondong inilaan ng pamahalaan, at donasyon mula sa ibang bansa, para sa mga naapektuhan ng Supertyphoon Yolanda.

Ang unang tao na nagpasaring na nagkaroon ng mga iregularidad sa pag-gamit ng naturang pondo ay si dating Davao City mayor at kasalukuyang pangulong Rodrigo Duterte.

“They are silent about it. Gusto ko tanungin si Mar. Billion ang dumating sa bansa nung Yolanda, saan ang pera,” ani ni Duterte noong Marso ng 2016 ayon sa storyang nilabas ng Inquirer. Ang pinasasaringan ni Duterte dito ay ang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government  o DILG na si Mar Roxas na siya ring naatasan na tutukan ang relief operations sa mga binagyong lugar.

Walang kahit anong dokumento na nagsasaad na may nakahaing graft cases laban kina Aquino, Roxas at Robredo kaugnay sa pag-gamit ng Yolanda funds.

Ang pinakahuling ulat mula sa pamahalaan kaugnay ng naturang pondo ay nagmula sa Commission on Audit o COA.

Sa inilabas nitong 2020 Audit Report, tinawag ng COA ang pansin ng Office of Civil Defense sa paggamit ng P24.6 milyong pondo na walang tamang liquidation report.  Ang pondong ito at nakalaan para sa mga biktima ng naturang bagyo. Hindi nabanggit sa naturang ulat sina Aquino, Roxas o Robredo.

Kahit ang administrasyong Duterte ay hindi naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kay Roxas o Robredo. Rommel F. Lopez (translation by Niceforo Balbedina)

 

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.