CLAIM: Kayang utusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang International Criminal Court (ICC) na pabalikin si dating pangulong Rodrigo Duterte dito sa Pilipinas.
RATING: HINDI TOTOO
Maling ipinalabas na ipinahayag ni Lawyer Salvador Panelo na puwedeng utusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang International Criminal Court (ICC) para pabalikin si dating pangulong Rodrigo Duterte dito sa Pilipinas.
Red flag: Sa Facebook reel na pinost ni “Pinoy in Holland” makikita ang dating presidential spokesperson na si Panelo na sumasagot sa mga tanong ng mga bystanders sa labas ng ICC building sa The Hague, Netherlands.
- Sa video,sinagot ni Panelo ang tanong mula sa kilalang pro-Duterte social media influencer na si Krizette Laureta Tiu. .
- Ayon sa text overlay ng video, sinabi nito na, “Pwdeng bawiin kahit ngayon si PRRD pero ayaw lang nila😬 – Atty. Panelo Salvador”.
- Nakasulat naman sa caption ang: “Pwde palang bawiin si Tatay Digong kahit ngayon na kaya lang ayaw nilang ibigay alam na kung sinong nasa likod nito may araw din kayu 🤜💚 #LabanLang #UpdateNews #Update”.
- Ang may-ari ng “Pinoy in Holland” page na nasa Netherlands ay madalas mag-post ng mga update tungkol sa dating presidente habang naka-detain ito sa the Hague.
Mga resibo: Walang head of state ang may kapangyarihang impluwensiyahan ang International Criminal Court.
- Ayon sa Article 58 ng Rome Statute’s, ang Pre-Trial Chamber and Appeals Chamber, ang naglalabas ng mga ruling tungkol sa detention, ito ay independent sa kahit anong bansa, walang gobyerno ang may legal na awtoridad para harangin o baliktarin ang mga utos ng Korte.
- Sinisiguro rin ng Article 40 ng Rome Statute na mananatiling independent ang mga judge at bawal silang magpa-impluwensya sa pulitika.
- Walang opisyal na dokumento mula sa ICC na nagsasabing may impluwensiya si Marcos Jr. sa kaso ni Duterte.
Rewind: Inaresto si Duterte ng ICC noong March 2025 at kasalukuyan pa ring naka-detain sa The Hague dahil sa mga kaso ng crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra droga.
- Paulit-ulit na tinanggihan ng korte ang ni-request na interim release ng legal team ni Duterte.
- Noong Feb. 23-27, naganap ang confirmation of charges hearing kung saan naglatag ang mga prosecutor ng 49 na insidente para patunayan na may sapat na basehan para sa trial grounds.
- Noong April 24, nag-utos na ang ICC ng pormal na trial para kay Duterte.
Bakit ito may fact-check: Ang mga maling pahayag na tulad nito ay nagpapalabo ng pagkaunawa ng publiko sa mga proseso ng ICC at nagpapahina ng tunay na kahalagahan ng crimes against humanity na kasalukuyang iniimbestigahan.
- Umabot na sa mahigit na 1.5 million views, 40,600 reactions, 1,600 comments, at 2,300 shares ang video, maraming users ang bumatikos kay Marcos Jr. dahil sa maling akala na pinapayagan niya ang ICC na panatilihing nakakulong si Duterte.
Bantay-fake: Mula pa noong simula, talamak na ang fake news at maling impormasyon tungkol sa pagkakaaresto kay Duterte.
- Madaling mapaniwala ang mga tao sa sinasabi ng mga sikat o kilalang personalidad dahil mukhang may awtoridad ang mga pahayag nila, kahit pa mali o baluktot ang mga impormasyong ibinibigay nila.
- Dati nang na-debunk ng mga fact-checker ang mga maling pahayag na inaprubahan daw ni Marcos Jr. ang paglaya ni Duterte, o kaya naman ay may prosecutor sa ICC na pumayag sa motion para rito.
- Bukas sa publiko ang mga pahayag at dokumento ng ICC, at maaari itong i-verify sa mga ulat ng mga kilalang news organization at fact-checking sites. Arianne Tadina
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: NBI Director Melvin Matibag did not resign
A YouTube video posted falsely claimed that National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag had resigned from his post.
FACT-CHECK: Former senator Trillanes did not volunteer to be acting president
A Facebook post falsely claimed that former senator Antonio Trillanes IV had volunteered to serve as acting president in place of Vice President Sara Duterte if a successor to President Ferdinand Marcos Jr. is needed.
FACT-CHECK: Video of a pro-Sara Duterte rally is AI-generated
An AI-generated video falsely claimed that a rally attended by 32 million people was held on May 12 in Davao City in support of Vice President Sara Duterte.




