CLAIM: Pumunta si Bise Presidente Sara Duterte sa Estados Unidos dahil imbitado siya sa inagurasyon ni Donald Trump.

 

RATING: HINDI TOTOO

 

Maling ipinahayag ng isang TikTok user na si Bise Presidente Sara Duterte daw ay nasa Estados Unidos matapos diumano sya ay maimbitahan na dumalo sa inagurasyon ni Donald Trump. 

Sa isang buradong post, ibinahagi ng TikTok user ang isang larawan ni Duterte kasama si US Ambassador to the Philippines Mary Kay L. Carlson na maling nagpapahiwtig na kuha ito sa Estados Unidos.

Ang larawan ay orihinal na kuha sa US Embassy sa Pilipinas, kung saan bumisita si Duterte upang magbigay ng pakikiramay sa pagpanaw ng yumaong dating pangulo ng Estados Unidos na si James Earl “Jimmy” Carter Jr.

Pinost ng user ang claim na ito kasunod ng mga rumor na imbitado si Duterte at ang kanyang ama na si dating pangulo Rodrigo Duterte sa inagurasyon ni Trump.

Nanumpa si Trump bilang ika-47 na pangulo ng Estados Unidos noong Jan. 20, at walang mga ulat na nagpapakita na inimbitahan ni Trump si Duterte o dumalo sa kaganapan.

Isang pag-check sa opisyal na Facebook page ni Duterte at sa opisyal na Facebook page ng Office of the Vice President ang nagpatunay na hindi siya bumyahe patungong Estados Unidos.

Si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ang nagrepresenta sa Pilipinas noong inagurasyon ni Trump. Leigh San Diego


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});