CLAIM: Naglabas na ang ICC ng arrest warrant laban kay Sen. Bato Dela Rosa.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang video mula sa YouTube channel na “Viral TV” ang maling nagpahayag na naglabas na daw ng warrant of arrest ang International Criminal Court o ICC laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyon.

Red flag: Pinakita sa thumbnail ng video ang isang larawan ni Dela Rosa na may hawak na dokumento habang napapaligiran ng mga tao. 

  • May caption and video na nagsasabing, “Lagot! BATO Dela Rosa, HINULI na ng ICC! Warrant of Arrest NILABAS na! MAKAKASAMA na nya si DIGONG!”  
  • Kita rin sa simula ng video si Dela Rosa na napapaligiran ng mga tao. 

Mga Resibo:  Hindi pa naglalabas ang ICC ng warrant of arrest laban kay Sen. Bato Dela Rosa

  • Ang larawan na ginamit sa thumbnail, na diumano nagpapakita na hawak niya ang arrest warrant, ay larawan ni Dela Rosa na hawak-hawak ang kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-senador. Ang larawan na ito ay mula sa isang Philstar.com article na nilabas noong Oct 12, 2018. 
  • Ayon sa ICC records noong Aug. 20, 2025, wala pang nilalabas na warrant of arrest laban kay Dela Rosa. 
  • Base riin sa isang Facebook post ni Dela Rosa, siya ay nakadalo pa sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Aug 19, 2025. 
  • Kita din sa isa pang Facebook post ni Dela Rosa noong Nov 23, 2024 na humarap pa siya sa isang panayam sa harap ng St. Luke’s Medical Center.

Rewind: Bilang dating hepe ng Philippine National Police o PNP sa ilalim ng administrasyong Duterte, si Dela Rosa played ay isa sa pangunahing personalidad sa kampanya kontra droga. 

  • Pinagusapan ng senado ang mga posibleng aksyon na pwede nilang gawin mangyaring maglabas na ng arrest warrant ang ICC. 

Bakit ito may fact-check: Sa panahon ng pagsusulat, ang YouTube video ay nakalikom ng 19,717 views at 705 likes. 

Bantay-fake: Sa kaso ng politikal na balita, mas magandang magtiwala sa mga news organization na naghahayag ng impormasyon na mula sa kapuri-puri.  Ysabel Javier


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});