
CLAIM: Nakakuha na ng prangkisa ang ABS-CBN, kaya makababalik na ito sa free TV simula Pebrero 10.
RATING: HINDI TOTOO
Lumaganap sa Facebook at X (dating Twitter) ang sunod-sunod na maling pahayag na nagsasabing magbabalik sa free TV ang ABS-CBN simula Pebrero 10.
Ayon sa mga post, gagamitin umano ng network ang “Channel 3,” na nagpapahiwatig na nakakuha na ito ng prangkisa mula sa Kongreso upang mag-operate sa free TV.
Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin nabibigyan ng Kongreso ang ABS-CBN Corp. ng 25-taong prangkisa na magpapahintulot dito na muling magbrodkast.
Noong Enero 7, isinulong ng pumanaw na Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang batas na House Bill 11252 upang maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.
Ito na ang ikalimang pagtatangkang maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN mula nang hindi ito ma-renew at napilitang ipasara ang broadcast operations nito noong 2020 sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Sa kasalukuyan, nakatuon na ang ABS-CBN sa content at digital media production, kung saan ipinapalabas nito ang mga programa sa iba’t ibang platform, kabilang ang dati nitong mga kakumpitensya sa free TV.
Alinsunod sa Republic Act No. 3846, kinakailangang makakuha ng prangkisa mula sa Kongreso ang anumang media company sa Pilipinas bago ito payagang mag-operate sa broadcast frequency ng bansa.
Sa ngayon, ang Facebook post na may pinakamaraming interaksyon ay nakakuha ng 22,000 likes, 2,600 comments, at 825 shares. Hurt Allauigan
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: Old US Homeland Security travel advisory on NAIA circulates on TikTok
A TikTok account falsely implied that the US Department of Homeland Security recently issued a travel advisory stating that the Ninoy Aquino International Airport “does not maintain and carry out effective aviation security measures.”

FACT-CHECK: No irregularities with Starlink devices stored at a house in Davao City
A Facebook user falsely claimed that election paraphernalia were being stored illegally in a private property in Barangay Buhangin, Davao City.

FACT-CHECK: Social media user exaggerates audit findings on VP’s office
A Facebook user falsely claimed that the Office of the Vice President (OVP) was declared to be an example of “clean and honest” government by the Commission of Audit (COA) in 2023.