CLAIM: Walang nakitang ninakaw na pera ng mga Marcos

RATING: MALI


Tila sinalungat ni Pangulong Duterte ang kanyang sarili nang sabihin niyang napakabata pa ni Ferdinand Marcos Jr. noong rehimen ng kanyang ama para ipagkatiwala sa kanya ang bilyon-bilyong salapi.

Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 5 ang pahayag na matagal nang pinabulaanan ng mga korte, na walang nakitang pera na ninakaw ng mga Marcos.

“The money was stolen, so far wala pa silang nakikita,” sabi ni Duterte sa pastor na si Apollo Quiboloy sa SMNI television network. Pinag-uusapan nina Duterte at Quiboloy ang mangyayari kung manalo si Vice President Leni Robredo kay Ferdinand Marcos Jr. sa eleksyon.

Ang maling pahayag na ito ay madaling pabulaanan, dahil mismong Korte Suprema, sa desisyon nito noong Hulyo 15, 2003, ay itinuring na ill-gotten ang $658.2 milyon sa mga deposito ni Marcos na kinuha mula sa mga bangko sa Switzerland.

Inutos din ng korte na bawiin ito para sa Republika ng Pilipinas. Ang halaga ay lampas sa legal na kita ng mga magulang ni Marcos Jr., ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos at ex-first lady Imelda Marcos, ayon sa desisyon.

Ang mataas na hukuman noong Marso 12, 2014 ay nagdesisyon din sa forfeiture ng milyun-milyong mga ari-arian ni Marcos na itinago sa tinatawag na Arelma account.

Sa kanyang column na Inquirer noong nakaraang taon, sinagot ni dating punong mahistrado Artemio Panganiban ang tanong na, “May ill-gotten wealth ba ang mga Marcos?”

Isinulat niya na “Sa maraming desisyon, sinagot ng Korte Suprema ang tanong na ito ng malinaw at hindi kwalipikadong’ ‘Oo.’”

Bukod sa ruling sa Swiss at Arelma accounts, tinuran din ni Panganiban ang iba pang napagdesisyunan na mga kaso tulad ng reconveyance ng shares sa Philippine Telecommunications Investment Corp., isang major shareholder sa telco giant PLDT.

Tila sinalungat ni Duterte ang kanyang sarili sa harap ni Quiboloy nang sabihin niyang napakabata pa ni Marcos Jr. noong rehimen ng kanyang ama para ipagkatiwala sa kanya ang bilyon-bilyong halaga.

“Hindi naman siya mapagkatiwalaan ng bilyon-bilyon, bata pa siya noon e. Of course, it’s their — ma-inherit nila ‘yan but that would be a very, very tedious process,” he said.

Hindi nagdetalye si Duterte, ngunit maaaring ang tinutukoy niya ay ang P203-bilyong estate tax liabilities ng pamilya Marcos.

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.