CLAIM: Isang YouTube video ang nagpapakita kay Zaldy Co na kaswal na lumalangoy sa isang beach.

 

RATING: HINDI TOTOO

 

Isang AI-manipulated na video ang kumakalat ngayon sa YouTube na malisyosong nagpapakita na namataan daw ang kasalukuyang nagtatagong dating congressman na si Zaldy Co.

Red Flag: Sa isang YouTube Shorts video, makikita ang isang lalaki na kamukha ni Co habang naglalakad sa tabing-dagat. May text sa video na nagsasabing: “Zaldy Co spotted naligo sa dagat.” 

  • Pinapalabas ng video na ito ay totoo at kamakailan lamang kinuhanan, pero wala itong binanggit na lokasyon, petsa, o source kung saan nanggaling ang clip. Kasalukuyan itong kumakalat sa social media sa pamamagitan ng pagrerepost ng mga netizens.

Mga Resibo: Walang matibay na ebidensya na si Co ang nasa video.

  • Walang lehitimong ulat mula sa media o opisyal na pahayag na nagpapatunay na kinuhanan ang video kamakailan. 
  • Ang video ay kulang sa konteksto, tulad ng lokasyon, petsa, o kumpirmasyon mula sa ibang mapagkakatiwalaang source.

AI Indicators: Ang video ay nagpapakita ng mga katangian ng AI-generated content: 

  • Masyadong makinis at hindi natural ang mga detalye ng mukha ni Co sa video. Hindi rin tugma ang galaw at proporsyon ng katawan sa totoong kuha, habang ang lighting at anino ay hindi lapat sa paligid. 
  • Kapansin-pansin din ang kawalan ng bakas ng paa sa buhangin na isang pisikal na inconsistency na nagpapatunay na manipulado ang video.
  • Kinumpirma rin ng mga AI detection tool gaya ng detectvideo.ai at ZeroGPT ang hinala na peke ang naturang clip.

Rewind: Si Co ay nananatiling nagtatago sa publiko dahil sa kanyang mga kinakaharap na kaso. 

  • Noong Marso 2026, idineklara siyang “fugitive from justice” ng Sandiganbayan, habang inaasahan naman ang pagpapalabas ng Interpol ng Red Notice laban sa kanya. 
  • Kinumpirma naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong April 16 na naka-detain si Co sa Prague dahil sa illegal entry nya sa Czech Republic. 
  • Hindi pa bumabalik si Co sa Pilipinas mula noong Marso 2026 kaya imposibleng makita siya sa isang pampublikong beach nang walang anumang ulat mula sa media o awtoridad.
  •  

Bakit ito may fact-check: Nananatiling sentro ng atensyon si Co dahil sa mga kaso ng iregularidad sa flood control project. 

  • Bagama’t walang beripikasyon, umani na ng daan-daang reaksyon ang nasabing video sa social media. 
  • Ang ganitong mga content ay mapanganib dahil maaari nitong iligaw ang publiko tungkol sa katotohanan ng mga corruption case at sa tunay na status ng dating mambabatas.

Bantay-fake: Ginagamit ang AI sa mga ordinaryong eksena upang magmukhang kapani-paniwala ang mga maling impormasyon.

  • Mag-ingat sa mga “visual inconsistency” gaya ng hindi natural na galaw, lighting, o kakaibang detalye sa mukha at paligid ng subject. 
  • Bago maniwala, i-verify muna kung ang balita ay nasa mga lehitimong news reports o official statements. 
  • Para sa mga sikat na personalidad, laging ikumpara ang kumakalat na video sa mga huling kumpirmadong ulat tungkol sa kanilang lokasyon o sitwasyon. Patricia Alvarado


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy