CLAIM: Nagpasalamat si US President-elect Donald Trump kay dating pangulong Rodrigo Duterte dahil sa “war on drugs” nito.
RATING: HINDI TOTOO
May lumabas na video sa TikTok na maling nagsabi na nagpasalamat si daw US President-elect Donald Trump kay dating pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang “war on drugs.”
Ang video, na ipinost ng TikTok user na @spottedtrend17, ay may text overlay na nagsasabing: “Donald Trump nagpasalamat sa drug on war (sic) ni President Duterte.”
Gayunpaman, ang orihinal na video ay mula sa pagbisita ni Trump sa Pilipinas noong 2017 upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na ginanap sa Maynila.
Sa kanyang talumpati, pinuri ni Trump ang maayos na pagho-host ng Pilipinas sa summit at binigyang-diin ang matibay na relasyon sa pagitan ng ASEAN at ng US.
Walang nabanggit si Trump tungkol sa “war on drugs” sa video. Wala ring ganitong pahayag na lumabas sa opisyal na transcript ng kanyang mga talumpati.
Sa ngayon, ang video ay nakaipon na ng 593 likes, 17 comments, at 20 shares sa TikTok. Hurt Allauigan
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Willie Revillame is not promoting an online casino
A Facebook page used a photo of Willie Revillame to falsely imply that he was endorsing an online casino.
FACT-CHECK: Robin Padilla is alive
A YouTube channel falsely claimed that Sen. Robin Padilla had died due to a severe illness.