CLAIM: Social pension para sa mga senior citizen ay naipasa na bilang batas.
RATING: HINDI TOTOO
Isang TikTok video na tampok ang audio ni Philippine lawmaker Stella Quimbo na nagpapaliwanag tungkol sa kanyang panukala para sa universal pension para sa mga senior citizen ay mapanlinlang na inedit. Maling ipinapakita nito na ang panukala ay naipasa na bilang batas.
Ang video na ipinost ng user na @hashedonlineshop, ay may kalakip ding caption na “Bagong batas para sa lahat ng senior citizen,” nagkomento rin ang user ng mga katagang “ngayon lang na approved.”
Ang audio na ginamit ay mula naman sa buong talumpati ni Quimbo na ipinalabas sa official YouTube channel ng House of Representatives noong Mayo 15, kung saan ipinaliwanag niya ang layunin ng panukala.
Inaprubahan ng kamara de representantes ang bersyon ng panukala sa ikatlo at huling pagbasa noong Mayo 21.
Matapos ang pag-apruba ng kamara, nagbahagi si Quimbo ng mga ilang bahagi ng kanyang salaysay sa kanyang Facebook page at naglagay ng caption na, “Sama-sama po natin itong tutukan sa Senado at hanggang maging opisyal na batas.”
Bagamat ang bersyon ng panukala ay umusad na sa Kamara, hindi pa ito ganap na batas dahil kailangan pa itong aprubahan ng parehong kapulungan bago makarating sa pangulo para lagdaan. Mery-anne Alejandre
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Willie Revillame is not promoting an online casino
A Facebook page used a photo of Willie Revillame to falsely imply that he was endorsing an online casino.
FACT-CHECK: Robin Padilla is alive
A YouTube channel falsely claimed that Sen. Robin Padilla had died due to a severe illness.