CLAIM: Ilang ulit nang tinalo ni Vice President Leni Robredo si Ferdinand Marcos Jr. sa mga isyu na may kinalaman sa nakaraang pambansang halalan

RATING: TOTOO


Sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo nitong ika-6 ng Mayo na ilang ulit na niyang natalo si dating senador Ferdinand Marcos Jr. sa mga isyu na may kaugnayan sa halalan, tila dahil sa giit ni Marcos na dinaya daw siya para sa pagka-bise presidente noong 2016 elections. 

Tama ang pahayag ni Robredo. Tatlong beses na niyang tinalo si Marcos Jr. sa mga patimpalak na may kinalaman sa halalan.

Una, tinalo ni Robredo si Marcos Jr. noong 2016 election para sa bise presidente, isang katotohanang ayaw tanggapin ng kampo ni Marcos. Sa katunayan, tumanggi si Marcos spokesman Vic Rodriguez na tawagin si Robredo bilang “Vice President,” at sa halip ay tinawag siya bilang “Mrs. Robredo.”

Noong 2016, nanalo si Robredo ng 14,418,817 boto laban sa 14,155,344 ni Marcos, o sa lamang na 263,473 boto.

Muli niyang tinalo si Marcos sa isang recount sa tatlong “pilot provinces”: Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental. Matapos ang “rebisyon” ng mga balota, tinaasan pa ni Robredo ang kanyang lamang sa 278,566 na boto. Tingnan ang pahina 12 ng Peb. 16, 2021 na desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ikatlo, ang lahat ng 15 mahistrado ng Korte Suprema, na nakaupo bilang PET, ay pumanig kay Robredo at bumoto na itapon ang protesta sa halalan ni Marcos, sa isang desisyon noong Pebrero 16, 2021 na inilabas sa publiko noong Abril 2021.

 

Ang maling salaysay ni G. Marcos na siya ay dinaya bilang bise presidente noong 2016 ay patuloy na inuulit ng mga tagasuporta sa social media, sa kabila ng kawalan ng anumang batayan.

 

Asahan ang patuloy na fact-checking namin sa mga ganitong klaseng pahayag tuwing lilitaw ang mga ito.

 

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

An X user makes the false claim that the United States has five military bases in the Philippines.CLAIM:  The United States has five military bases in the Philippines. RATING: FALSE   An X user made the false claim that the United States has five military bases...

read more