Claim: Bumisita ang dating pangalawang pangulo Maria Leonor “Leni” Robredo sa Department of Social Welfare and Development nang walang appointment.

 Rating: MALI


Walang habas na ipinost sa Facebook ng mga kritiko ang hindi beripikadong impormasyon na lumitaw ang dating pangalawang pangulo Maria Leonor “Leni” Robredo sa Department of Social Welfare and Development (DWSD) na walang appointment. Lumalabas na hindi ito totoo.

Galing umano sa vlogger na si Mark Lopez ang kwento: “It appears that MADUMB sashayed into the DSWD unannounced and without appointment!”

“Madumb” ang isa sa mga insulto ng mga kritiko sa dating pangalawang pangulo, na natalo kay Ferdinand Marcos Jr. sa halalang pampangulo noong Mayo.

Pinabulaanan ng kalihim ng DWSD, si Erwin Tulfo, ang mga walang basehang kwento noong Agosto 28 at 29.

“Nagpa-appointment po siya, Ka Tunying at tinanggap naman natin siya bilang Angat Buhay representative,” sabi ni Tulfo sa programa ni Anthony Taberna sa dzRH noong Agosto 29.

Bumisita si Robredo kay Tulfo para mag-alok ng tulong sa pamamagitan ng kanyang nongovernment organization, ang Angat Buhay.

Sa naunang panayam sa dzRH noong Agosto 28, pinaalala ni Tulfo sa publiko na “unity” o pagkakaisa ang naging kampanya ni Marcos.

“Baka nakakalimutan ng mga kababayan natin na ang mensahe ng administrasyong ito ay unity,” he said.

Noong Agosto 30, naglabas din ng resibo ang kampo ni Robredo na nagpapatunay na kumuha siya ng appointment at ang pagbisita ay walang layong pagpapasikat.

Ayon kay Raffy Magno, executive director ng Angat Buhay, walang dalang photographer si Robredo, at ibinahagi lamang nito ang mga larawan mula sa Facebook account ni Tulfo.

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

An X user makes the false claim that the United States has five military bases in the Philippines.CLAIM:  The United States has five military bases in the Philippines. RATING: FALSE   An X user made the false claim that the United States has five military bases...

read more